CHAPTER 17 - Nasasanay

959 71 8
                                    

Xam's POV

Kagat labing tumitig sa akin si Jeydiel habang ako ay nangangapa ng isasagot sa kaniya.

"You're expecting me to kiss you, right?" Pag-uulit niya pa habang hindi matigil ang pagngisi.

"M-Me? Why would I?" Pagkukunwari ko at saka mabilis na nag-iwas ng tingin.

Napaisip si Jeydiel habang nakatitig sa hawak niyang ice bag. Matapos ay mapungay ang mga matang tumingin sa akin.

"Fine. Iisipin ko nalang na wala akong nakita." Usal niya bago natatawang pumaningkayad sa sahig.

"Give me your feet." Nagugulat at kunot noo akong nagbaba ng tingin sa kaniya. Nang matigilan ay sinenyas niya ang mga paa ko. Iyong pinaparating na ilapit ko iyon sa kaniya.

Nakamaang man ay ginawa ko ang sinabi niya. "Stretched ligaments ito. It will heal quickly. Does it hurts so much?"

Wala sa sarili naman akong tumango. Sobra siyang nakakapanibago.

"A-Ahh.." Nakangiwi kong angal nang simulan niya itong hawakan.

"I'll be careful." Paumanhin niya. Saglit niya pa akong sinulyapan bago binalik ang paningin sa aking paa.

"W-What are you doing?" Kinakabahan kong tanong dahil sa kilos niya ay batid kong patutunugin niya ito.

"It'll be quick. Just relax." Paliwanag niya.

Pilit kong hinila ang paa sa kaniya ngunit hindi ko iyon nagawa. "No need. I can still endure it."

"Mas lalong lalala 'to kapag hindi nagamot!" Seryosong paliwanag ni Jeydiel.

"Masakit kasi talaga!" Pag-amin ko.

"Mas sasakit ito kapag lumala. Calm down and trust me." Aniya habang inayos ang pagkakahawak sa paa ko.

Huminga ako nang malalim at halos maluha ako nang patunugin niya ito. Sa sakit ay mariin kong nakagat ang labi kasabay nang pagpikit.

"It dang hurts!" Tiim bagang kong usal.

Gusto ko mang sigawan siya ngunit hindi tulad noon ay wala akong lakas ng loob gawin.

Kita ko pa kung paano lagyan ni Jeydiel ng benda ang aking isang paa. "Well done." Usal niya matapos sa ginagawa.

"Ibaba mo ako!" Asik ko nang bigla ay kargahin niya ako.

"Do you think you can walk alone without my help?" He asked with his husky voice.

Kunot noo akong nag-alis ng tingin. "Nasasanay ka ng buhat-buhatin ako! Kanina ka pa!"

"Yeah, I guess nasasanay na nga ako." Bulong niya sa gitna ng paglapit namin sa kama. "Don't you like it?" Mapang-asar niyang tanong.

Hindi makapaniwala ko siyang siniringan. "I will never like it!"

"Oh, I see."

Pabagsak siyang nahiga sa kama with me around his arms. I stunned for a second while unconsciously deepened my stares on his face. Tumagilid si Jeydiel para harapin ako at dito mahigpit na niyakap.

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now