CHAPTER 34 - Mark

1K 47 22
                                    

WARNING: SPG

Xam's POV

Panandaling nagbaba ng tingin si Jeydiel bago ako marahang tinalikuran. Muli niyang pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato. Iyong para bang walang nangyari, na wala siyang narinig.

I guess he’s disappointed but all I want is to be honest with him. We love each other that is why he deserves to know every single things about me whether my present or past. Gusto ko iyong bukas kami sa isa’t isa.

Agad ko siyang nilapitan para gawaran ng isang malambing na yakap patalikod.

I closed my eyes habang mas idinidiin pa ang sarili kay Jeydiel. "If you’re jealous then stop it now. Nakaraan na iyon, ikaw na ang mahal ko, at sa tingin ko iyon ang mas mahalaga.”

Idinikit ko pa lalo ang sariling pisngi sa kaniyang likod. Walang namuntawing salito o reaksyon man lang kay Jeydiel. Patuloy pa rin siya sa bagay na ginagawa kaya naman bumitaw ako sa pagkakayakap. Matapos ay sinapo ko ang dalawa niyang braso nang sa ganoong paraan ay magkaharap kami.

Diretso ko siyang tinitigan sa mata. "I know you’re jealous, disappointed or whatever it is but please you don’t have to okay?” Paliwanag ko subalit seryoso pa rin ang kaniyang mukha.

Tuloy ay nanguso ako. “Ano ba ang p’wede kong gawin para kausapin mo na ako?” I asked trying myself not to pout.

There’s one thing suddenly popped inside my head. My hands quickly run onto his cheeks making him pull closer to me. Bahagya akong tumiyad para maabot ang kaniyang mga labi ngunit hindi naging ganoon kadali dahil may kataasan si Jeydiel.

Hinatak ko pa pababa ang mukha ni Jeydiel para magkaroon ako ng maayos na tiyansa sa mga labi niya. When his lips finally landed on mine, I slowly closed my eyes while giving his lips a gentle rhythm of kiss.

Kahit wala akong alam sa ginagawa ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paggalaw ng labi gaya ng ginagawa ni Jeydiel sa tuwing hinahalikan niya ako.

Talaga nga yatang mananadya si Jeydiel dahil natiis niyang hindi gumalaw na tila ba isa siyang tuod. Kahit pa, hindi iyon naging dahilan para tumigil ako. Gamit ang aking pang ibabang labi ay pinaawang ko ang mga labi niya para magawa ko ng maayos ang panunuyo sa kaniya.

After a minutes of kissing him, I feel embarrassed lalo pa’t nang huminto ako ay ramdam ko ang paningin niya sa akin. He didn’t close his eyes, his entire system were all focused on me.

Pinagmamasdan ang pag-ayo ko ng halik sa kaniya.

I never imagined doing this effing thing.

Ilang beses akong napalunok habang hindi malaman kung ano ang sunod kong gagawin. Amoy at ramdam ko ang magkahalo naming hininga. Hindi ko na rin magawang salubungin ang kaniyang paningin.

Subalit nang tangka akong humakbang patalikod ay mabilis niya akong kinulong sa kaniyang mga braso. He gave me his tightest clasp.

“I know for you what I’m feeling right now is jealous. But it wasn’t, I call it not jealous but afraid of losing you.. Pagdating sa 'yo I’m selfish.. madamot ako.” He soft whispered.

Pilit akong kumawala sa mga braso niya para hulihin ang kaniyang mata.“You’re overthinking!” Usal ko.

“Because I want you mine alone.” Malambing ngunit seryoso niyang paliwanag.

“I’m yours alone! Ano ba’ng pinaglalaban mo diyan?” Halos pinigil kong huwag tumawa.

Sumama ang mukha ni Jeydiel. “I hate Dash's existence.” Anas niya.

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now