CHAPTER 35 - Meet

1K 43 29
                                    

[A/N: Thank you for reading this story and for following me! Votes and comments will be highly appreciated! I love you all!]

XAM'S POV

KINABUKASAN nagising akong masakit ang buong katawan. Pagkamulat ng aking mata ay bumungad sa aking harapan si Jeydiel. Nakangiti habang nakapangalumbaba.

"Goodmorning sunshine," Malambing niyang bati habang abot mata ang ngiti. Isang mabilis na halik ang isinagot ko sa kaniya.

Napahigpit nalang ang pagkakayapos ko sa kumot nang ma-realize na ito lang ang tabing sa katawan ko. I'm freaking naked.

"Don't be shy, baby. Nakita ko na yan lahat, no need to hide it. I already memorized every inch of your body."

"Shut up!" Namumula kong usal.

Ngumisi lang siya. "Where are you going?"

"Maliligo," Simpleng aniko.

"No, you can bath later. Magpahinga ka muna." Aniya bago sumakop ang mga braso niya sa akin bilang pagpigil sa tangka kong pagtayo.

"Nakapagpahinga na ako." Katwiran ko saka kumawala sa kaniya.

"Oh, really?" Hindi makapaniwala niyang tanong habang tatawa-tawa.

Ito na naman siya sa pang-aasar niya.

Pinaikot ko ang aking mga mata bago marahang kumilos patayo. Siniguro ko pang nakabalot ng maigi ang kumot sa aking katawan. 

"Can you walk?" Nakangisi niyang tanong.

"Seriously? Bakit naman hindi?" Inis kong usal.

Wala talagang oras ang pang-iinis ng lalaking ito. He can annoy me anytime he wants. Ngisi palang niya, noon pa man ay naiirita ako sa hindi malamang dahilan.

Besides, may dahilan ba para 'wag akong makalakad?

Tanging tawa lang ang sinagot ni Jeydiel saka ako pinanood na bumaba sa kama.

Napapailing ko nalang siyang siniringan. Subalit unang paglapat palang ng paa ko sa sahig ay nakaramdam na ako ng kirot. Hindi ako makahakbang.

“Shocks! Anong ginawa mo sa 'kin?" Nakaingit kong tanong.

Makisig na humalakhak ang loko. "I told you! You need to rest yourself!" Aniya. Inaasar ako ng itsura niya.

"What the hell?" Usal ko bago tuluyang tumitig sa kaniya.

"It's normal, baby. You're virgin and we made love, kaya natural lang na hindi ka makalakad," Inosente niyang paliwanag na para bang normal lang ang sinasabi niya. Kaya naman ganoon ko nalang naramdaman ang pagpula at pag-init ng aking buong mukha.

“Come here, lay with me for a while," Giit niya pa. Kaya naman wala akong ibang choice kundi gawin nalang ang sinasabi niya.

Kunot noo kong tinitigan si Jeydiel nang tuluyan na akong makahiga sa tabi niya. Nanatili naman siyang nakangiti sa akin.

"Umamin ka nga sa 'kin. Is it really your first time making love with someone?" I asked with a traced of curiosity.

"Of course. Why asking?" Puno naman ng pagtatakang aniya.

"I just can't believe that you will be this wild."

Sandaling umawang ang mga labi ni Jeydiel bago dito nagpakawala ng isang ngisi.

"I may be a virgin, baby, but it doesn't make me innocent lalo na kapag sa 'yo." Aniya pa habang marahang pinagdadako ang mga palad sa aking dibdib. Sa ganoong paraan niya ako balak yakapin.

Accidentally In Love (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें