CHAPTER 25 - Lasing

894 59 15
                                    

Xam's POV

Nagpaulit-ulit sa buong sistema ko ang huling mga sinabi ni Jeydiel bago ako pumanhik dito sa kwarto at magpalit ng damit. Ayaw mawala sa buong sistema't kaluluwa ko. Pakiramdam ko ay nawindang ako sa mga sinabi nya.

Wala akong nagawa kundi sundin ang loko dahil parang hindi ko na kakayanin kapag may sinabi pa siya. Masyado niya akong ginugulo.

Patuloy ako sa paghahalungkat sa cabinet ko ng damit na susuutin. Nakita ko naman agad ang white short at knotted style shirt na kulay peach. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinuot ko na ito. Humarap pa muna ako sa salamin at inayos ang aking sarili.

Bagay.

Pagkabukas ko ng pinto ay halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Jeydiel na nakasandal sa harapan ng kwarto ko. Hindi ko iyon inaasahan dahil ang akala ko ay nasa baba siya at doon niya ako hihintayin.

Napapalunok akong tumitig sa kaniya habang nakapamulsa siyang nakatingin sa akin. Nakakailang ang paraan niya ng pagtingin kumpara noon.

Dang you heart don't betray me.

"Wala ka na bang iba pang damit?" Salubong niya sa akin.

"What again?" Nanlulumo kong tanong.

"Masyadong maiksi iyang short mo. Palitan mo." Seryoso niyang utos.

"Short nga 'di ba? Magtaka ka kapag mahaba ito." Nakasimangot kong katwiran.

He sighed. “Just do change it. ‘Wag mo ng hintaying ako pa ang magbihis sa 'yo!” Asik ni Jeydiel.

Dang you one hundred times!

Padabog kong isinara ang pinto. Ano ba ang gusto niya? Magsuot ako ng pang-madre?

Inis akong naghanap pa ng damit. Napairap nalang ulit ako nang makakita ako ng panibagong susuutin. Full-length skirt, complete with blue stripes and tired layers. Simple white tank tucked nalang ang sinuot kong top. Partner ay ang black sandals. Nanatiling nakalugay ang aking buhok.

Sa haba nito ay hindi ko alam ang magagawa ko kung aangal pa siya. He’s annoying!

Pagbukas ko sa pinto ay agad niyang sinalubong ng tingin ang kabuuan ko. Dito palang siya nangiti.

"Let's go." Inilahad niya ang kamay niya sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin sa halip ay nagpaumuna akong naglakad sabay ngiwi.

"Bagay naman sa 'yo, ah? Mas maganda pa nga iyan kung tutuusin." Habol niya pa sabay akbay.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya para samaan siya ng tingin. Mabilis kong inalis ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Ganoon din naman kabilis nalipat ang braso niya sa baywang ko.

"Mas sweet kapag dito." Bahagya niya pa itong tinapik dahilan para tumindig ang mga balahibo ko. Nang lingunin ko siya ay nakangisi na siya sa akin.

"Alisin mo iyan kung ayaw mong mabalian ka!" Banta ko kay Jeydiel habang patuloy na naglalakad.

"Ayos lang na mabalian at least nahawakan ka." Bahagya niya pa akong hinapit papalapit sa kaniya.

Mabilis at pairap naman akong lumayo at mabilis na inalis ang kamay niyang mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. Natawa lang siya sa ginawa ko.

"I think this will be fine with you." Bulong ni Jeydiel.

Pakiramdam ko ay nakuryente ang buo kong katawan nang pinagsiklop niya ang mga palad namin. Sinubukan kong agawin ang kamay ko sa kaniya ngunit hindi ko nagawa. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.

"They might see us.." Halos gusto kong tampalin ang sarili ko sa aking sinabi.

Nagkibit balikat lang siya. "And so? You're my wife anyway."

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now