CHAPTER 13 - Inis

971 81 11
                                    

Jeydiel's POV

"Okay then," Napabuntong hininga si dad. "Keep in mind that everyone whose invited to your wedding should believe that you and Khaleesi really love each other. They shouldn't be perceive that you two are in an arranged marriage. Get it?"

"Got it!" Walang buhay kong usal.

"May isa pa pala." Dagdag pa niya na nagpa-angat ng paningin ko.

"Ano na naman iyon dad?" Halos walang kabuhay-buhay at pagod na pagod kong tanong.

Napakunot ang noo ko dahil sa nakakalokong ngisi ni dad.

"You know what's the best way to make them believe?"

"What is it?" Kunot noo kong tanong.

"Kiss her." Nakangising wika niya kaya naman awtomatikong napaawang ang mga labi ko.

"May the wedding rings you exchanged today remind you always that you are surrounded by enduring love." Dinig kong wila ni Moksanim na nagpalamig sa mga palad ko. For heaven’s sake! Unang beses ko itong gagawin at sa babae pang ito.

"No I won't."

"You are a gay then."

Napapikit nalang ako nang maalala ko ang huling tinig ni dad sa aking isipan.

Siguro para sa iba napaka-haba ng sinasabi ni Moksanim pero para sa akin ang bilis lang ng lahat . Mas gusto ko pa na lalo niyang damihan ang kaniyang sinasabi hanggang mabagot lahat ng tao rito at umuwi.

"And so now by the power vested in me, it is my honor and delight to declare you husband and wife. You may seal this declaration with a kiss." Ani Moksanim.

This is it! This is it! I’m totally doomed right now. Nang sulyapan ko  si amazona ay pansin kong nagulat siya sa sinabi ni Moksanim na para bang hindi niya ito inaasahan.

"You may now kiss the bride." Pag-uulit ni Moksanim nang hindi ako kumilos. I’m a dead meat now.

Napa-tingin sa akin si amazona ng seryoso.  Bigla kong naisip kung ano kayang gagawin niya sa akin kapag hinalikan ko na siya. Tinitigan ko lang ang buo niyang mukha at tumigil ang tingin ko sa mapula at mamasa-masa niyang labi.

Dahil dito ay mabilis siyang nakaramdam ng pagkailang. Napapikit na lang ako dahil mayroon sa kaloob-looban kong ayaw gawin iyon pero naalala ko si dad at ito ang huli niyang pakiusap sa akin. I can’t do anything to oppose with this.

Nang sandaling magmulat ako ay napatingin pa muna ako sa kinaroroonan ng mga ama namin. Nakangiti nila akong tinanguan na ang ibig sabihin ay gawin ko na. Dahilan para magkusa ang mga kamay kong hawakan ang pisngi ni amazona na lilingon din sana sa gawi kung saan ako nakatingin.

Nagugulat siyang tumitig sa akin. Mabilis niyang nabasa ang binabalak kong paghalik sa kaniya dahil bahagya siyang napaatras. Hindi ko alam pero nagawa kong mabilisang sakupin ang bewang ni amazona at agad nilapit ang mukha ko sa kaniya.

The next thing happened was I found myself kissing her cold yet soft lips. I emphatically closed my eyes with a nervous heart. It was just my first time kissing a girl. Naramdaman kong nagulat siya kaya medyo iginilid ko ang kaniyang mukha at madiin itong hinapit sa mukha ko para hindi makita ng mga tao ang kaniyang reaksyon.

Tuloy ay mas lalong nagkidikit ang aming mga labi at maamoy ko ang kaniyang hininga. Ang bango niyon na para bang nakakalasing.

Naramdaman ko ang pag-pikit ng mga mata ni amazona na mabilis na nagpabalisa sa puso ko. Hindi ko rin alam kung paano ako bibitaw sa magkalapat naming mga labi. Kung mabilisan bang alis o dahan-dahan gaya nalang sa nakikita kong pinapanood ng tatlong kaibigan.

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now