CHAPTER 18 - Not my type

835 51 6
                                    

Xam's POV


Sinisiguro kong makikilala rin kita bigboss.

Paulit-ulit kong bulong habang nakahiga at nakatitig sa kisame.

Maya-maya pa ay bumangon ulit ako para tingnan ang mga paa kong may benda. Sinubukan ko pa itong igalaw at napataas ang kilay ko dahil hindi na ito gaanong masakit.

Napailing nalang ako nang maisip ko ang nangyari kahapon. Hindi ko inakalang dadating din ang araw at tutulungan niya ako. Sa sobrang inis ko sa kaniya ay hindi ko naisip na may kabutihan din kahit papa'nong nananalaytay sa pagkatao niya.

Ano pa kaya ang mga bagay na hindi ko inaasahang magagawa niya.

Pasimple akong napapikit dahil sa nangyari kahapon. Mula sa, pagbuhat, paggamot at pagyakap niya sa akin. Ngunit gaya nga nang sabi niya ay kalimutan ko nalang iyon.

Naisip ko ring kaya niya lang iyon nagawa ay dahil may lagnat siya. Nagkakasakit siya to be exact.

“Oh my, Xam! How are you?” Napapitlag ako nang patakbong pumasok si Jade ng kwarto.

Mabilis niya akong ginawaran ng mahigpit na yakap. "A-Ano ba! hindi na ako makahinga!" Pag-angal ko.

“Akala ko may kung ano ng masamang nangyari sa 'yo! Alam mo ba hindi ako nakatulog at makapagfocus ng maayos sa school nang malaman ko na nawawala kayo ng lalaking 'yon!” Naiiyak niyang usal. Tuloy ay hindi ko malaman kung matatawa ba ako o hindi.

"You’re overacting! I'm okay now!" Natatawa kong usal.

"'Wag mo akong tawanan diyan, Xam! Madami ka pang utang sa akin!"

"At ano naman ang utang ko sa 'yo?"

"Basta marami at saka ko nalang sisingilin." Pinagkunutan ko siya ng noo. "Oo nga pala, ano ba ang nangyari sa inyo?" Tanong niya pa.

"Basta!" Tipid na sagot ko.

"Ano nga?" Pag-uusisa niya kaya namang ang sarap itulak ng babaeng ito palabas ng pinto.

"Mahabang kwento."

"Paikliin mo!"

"Hindi mo maiintindihan kapag pinaikli ko."

"Edi gawin mong maikli pero kumpleto. Parang buod ganon!"

"Shut up." Naiirita kong asik.

"Psh! Parang hindi ka kaibigan!"

"Hindi porket kaibigan kita kailangan ko ng sabihin sa 'yo."

"Kailangan talaga para malaman ng maganda mong kaibigan!" Pangungulit niya pa.

"Jade?" Tawag ko sa pangalan niya. Pinahihiwatig na tumahimik na siya.

"Xam?" Ginaya lang ni Jade ang paraan ng pagkakasabi ko sa pangalan niya.

"Pinasok kami sa bahay at saka dinukot, okay na?" Mabilis niyang natutop ang bibig saka hindi makapaniwalang tumingin sa ako.

"Omg!" Hindi makapaniwala pa rin niyang bulalas.

"What?" Kunot noo at naguguluhan kong tanong.

"Did you just.." Pambibitin niya.

"What?" Tanong ko pa rin.

"Omg anong feeling?" Nakahawak sa dalawang pisnging tanong niya habang nakatitig sa akin.

"What the hell? Anong klaseng tanong yan? Feeling? Gosh! Ito o pilay!" Turo ko sa paa ko. "Pilay, galos at pasa ang inabot ko." Inis kong asik.

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now