CHAPTER 28 - Turns black

858 45 10
                                    

Someone's POV

"Anong plano bossing?” Tanong ko kay bigboss habang nakatanaw kami sa bahay ng anak nila Cruise at Hurst sa hindi kalayuan.

"Gaya pa rin ng dati. Wag muna tayong magparamdam. Hayaan natin silang magsaya at makalimot." Nagpakawala si bigboss ng usok galing sa kanyang sigarilyo. "Masosorpresa nalang sila sa gagawin ko."

Napangisi nalang ako dahil mukhang hindi maganda 'to.

Xam's POV

"Xam, 'wag mo na akong pahirapan. Liligawan kita kung kinakailangan, hayaan mo ng maging tayo. Hey, baby, talk to me!"

Habol sa akin ni Jeydiel pagkalabas ko ng kotse. Sa kaloob looban ko ay pinagtatawanan ko siya. Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam. I’m just enjoying it.

Simula nang sabihin niyang mahal niya daw ako ay wala na siyang ibang bukang bibig kundi—

"Hayaan mo ng maging tayo. Be my wife permanently."

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko maipaliwanag pero ang sarap sa pakiramdam ng mga kinikilos niya. Paulit-ulit nitong kinikiliti ang aking puso.

Now I’ve realized how it feels good playing hard to get lalo pa’t si Jeydiel ang nangungulit.

"Hey, Xam, ‘wag mo akong talikuran diyan."

Nagsimula akong maglakad papasok sa University. Agad naman niya akong nahabol.

"Not because I love you, you will play hard to get at tatalikuran nalang ako kung kailan mo gusto.” Nakangusong asik ni Jeydiel.

Nakagat ko ang sariling labi para ‘wag matawa.

"Hindi ko naman sinabing mahalin mo ako." Mala seryoso kong usal.

"Sagutin mo na kasi ako." Halos nagmamakaawa na siya.

Naisipan kong asarin siya lalo kaya naman umarte akong nag-iisip. "Hindi ka naman nanliligaw." Inosente akong lumingon sa kay Jeydiel.

Bahagya pang umawang ang labi niya.

"Akin na nga ang susi ko." Hinablot ko sa kamay niya ang susi ng locker ko.  Kanina ko pa ito kinukuha sa kaniya pero ayaw niyang ibigay.

Mabilis akong humakbang patalikod sa kaniya. Dahil na rin sa mahaba ang mga biyas niya ay agad niya akong naabutan at sinabayan.

"Where are you going?" Tanong ko bigla.

Magkalayo ang mga building namin kaya magkaiba ang daan. Sa gawing kanan ang akin at sa kaliwa naman ang kaniya.

"Ihahatid kita sa room niyo." Nakapamulsa lang siyang nagbaba ng tingin sa akin. "Parte ng panliligaw." Ngumisi siya sabay kindat.

For pete’s sake. Niloloko ko lang siya.

"Binibiro lang kita, okay?" Huminto ako sa paglalakad para harapin si Jeydiel.

"Alright. Then hindi ako nagbibiro." Aniya.

Napangiwi nalang ako. "Kahit kailan hindi naging parte ng panliligaw ang paghatid hatid. Bata lang ang hinahatid. Magmu-mukha lang kitang kuya o alalay." Asik ko. Siya naman ngayon ang ngumiwi.

"Fine." Pabuntong hiningang aniya.

Nang tatalikod ako ay hinila niya ang aking pulsuhan. Napatitig ako kay Jeydiel.

“Wala ka pa rin bang nararamdaman para sa akin? Or you’re just hiding your feelings? Don’t be shy baby. Tell me now.” Sinserong bulong ni Jeydiel.

Accidentally In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now