Prologue

26K 635 134
                                    

Louise's Point of View

5 years ago

“Louise! Sama kana kasi. Konting celebration lang naman ‘yun eh, please...” Pagmamakaawa ng ka-trabaho ko na si Lily.

Hinarap ko naman ito.

“Lily, I'm so sorry talaga, pero ang dami ko pang ginagawa eh, atsaka kailangan na ang mga reports na ito bukas. And one more thing, alam mo naman na hindi ako mahilig sa ganiyan ‘di ba. Kayo nalang.” Mahabang saad ko sa kanya, sabay balik atensyon sa pagtipa sa laptop.

“Ganiyan ka naman eh, puro ka nalang work. Palagi nalang work, work, work, pag -niyaya kita. Sabihin mo nga sa‘kin ang totoo. Ayaw mo ba kaming kasama? Siguro ayaw mo talaga kaming kasama, kaya ayaw mong sumama sa‘min.” Pangongonsensya nito.

“Hindi naman sa ganoon Lily. Hindi lang talaga ako mahilig sa mga bar, club, or pub o kahit ano pang tawag niyo doon, una kasi hindi ako umiinom, pangalawa ayoko doon dahil crowded, pangatlo madami akong ginagawa. Pasensya na talaga.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Totoo naman kasi, ayoko talaga sa maraming tao, hindi rin ako umiinom dahil ang pangit ng lasa, at marami talaga ako ginagawa ngayon.

“Hindi totoo ‘yan. Ayaw mo lang talaga kaming kasama. Ang sama sama mo. Nagmamagandang loob na nga ako, kasi palagi kang lonely dito, tapos i-rerefuse mo lang ang paanyaya ko! Grabe ka ta...” I cut her off sa pagdadrama niya.

“Oo na sasama na ako, manahimik kana.” Natatawang saad ko sa kanya.

“Really?!” Paninigurado nito.

“Yes.” Simpleng saad ko lang.

“Thank you Louise. Susunduin kita dito mamayamg 7:00 PM. Bye!” Masiglang saad nito sabay lakad ng office.

Napa-iling nalang ako sa inasal nito.

.....

“Ano nag-eenjoy ka ba?” Biglang tanong ni Lily na nasa gilid ko.

“Well, konti lang naman.” Saad ko sa kanya.

Actually hindi ako nageenjoy dahil sobrang daming tao, tapos ang baho pa. I hate the smell of smoke and liquor. Kaya ayaw kong pumunta sa mga ganitong lugar.

“Tss, mag-eenjoy ka rin don't worry. Anyway, try mo ‘to. Hindi ‘yan matapang, pang minor lang nga ‘yan.” Saad nito sabay bigay sa‘kin ng isang basong alak.

“Lily naman, ‘Di ba sabi ko na sayo hindi ako umiinom.” Inis na saad ko sa kanya.

“Heto naman sobrang KJ. Just try it, ‘di mo pa nga natatry eh. Last lang ito, if hindi mo nagustuhan ang lasa, ‘wag mo ng ituloy pang inumin.” Pamimilit pa nito.

“Fine!” Pagsuko ko.

Kinuha ko na ang baso na naglalaman ng alak mula sa kamay nito at mabilis na itinungga.

Noong una sobrang pait, pero ng tumagal ito sa lalamunan ko ay sobrang sarap.

“Well, how's it? Masarap ‘di ba?” Nakangiting tanong nito.

“Kinda.” Simpleng saad ko sa kanya.

“Sabi ko na sayo. Heto ang bote, sayo na ‘yan.” Nakangiting saad nito sabay bigay sa‘kin ng bote ng alak.

Malugod ko naman tinanggap ito. Well, wala naman akong gagawin, kaya mag-inom narin ako. Atsaka last lang naman ito, at hindi na mauulit pa.

“Salamat.” Pagpapasalamat ko kay Lily.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now