28

4.5K 251 15
                                    

Troy Point of View

“So, here's what I'm saying. Hindi talaga ako kasabwat ni Mark sa pagkawala ni Louise or should I say sa pagtakas kay Louise. I'm just watching them — tinitignan ko kung ano ang mga ginagawa nila or ni Mark na paraan para makuha si Louise mula sa ‘yo, I and him already know na may gusto ka kay Louise, at ‘yun ang pinaka ayaw niya. Kaya naman noong araw na nag-away kayo ni Louise at the same time pinalayas mo siya sa company mo, gumawa na agad siya ng paraan para makuha niya si Louise.” Mahabang paliwanag ko sa kanila habang nakatingin kay Hunter.

“How did you know?” Seryosong tanong nito habang nakaupo ng permiso sa isang single sofa.

Ang iba naman ay nakaupo lang at seryosong nakikinig.

“Well, sinabi ko na sa ‘yo kanina pa na tinitignan ko ang bawat galaw niya. Simula kasi noong pumasok si Louise sa company mo, iba na ang kinikilos niya. Parang palagi itong balisa.” Paliwanag ko pa.

“Then, bakit mo alam na tinakas niya si Louise? At bakit wala ka rin sa company sa panahon na nawala silang dalaw?” Sunod - sunod na tanong nito.

Ngunit bago pa man ako makasagot, bigla naman nagsalita si Jerald...

“Bro? Are deaf? Sinabi niya na nga na tinitignan niya sila.” Natatawang pagsabat naman ni Jerald na ikinatawa ng lahat.

G*go talaga ang lalaking ‘to. Saaming magbabarkada siya lang talaga ang hindi natatakot magbiro kay Hunter lalo na pagseryoso siya.

Anyway, I'm Troy Versoza, 28, and one of the pilot of the Royal Caribbean Airline. Laki ako sa hirap, sila lang talaga ang mga mayayaman. And kung tatanungin niyo rin kung meron na akong asawa or girlfriend, ang sagot diyan ay wala pa. I don't do girlfriends lalo na ngayon na wala na akong magulang.

Nandito pala kami sa Rest House Island ni Hunter kasama ang buong barkada inclunding Louise and Angel. Well, I don't know kung ibabalik ba niya ako sa barkada, pero sana oo, kasi miss na miss ko na talaga ang bonding namin na katulad ng dati.

“Shut up. You don't know what I mean. What I mean is, paano niya nalaman na aalis sila and bakit wala siya rin noon at the same time na wala na sina Louise and Mark?” Seryosong saad ni Hunter kay Jerarld habang binibigyan niya ito ng masamang tingin na ikinatiklop naman niya.

“I already told you na tinitignan ko ang bawat kilos ni Mark. And nawala ako sa company mo sa araw na wala rin sila dahil nga tinitignan ko ang bawat galaw niya,  kahit sa bahay ay sinusundan ko siya. And uulitin ko, when you fired Louise in your company, meron na siyang ginawang paraan. And his planned was to go in other country to live there and start again.” Mahabang paliwanag ko ulit sa kanya na ikinakuyom ng mga kamao niya.

Well, kahit ako naman siguro ay magagalit kung ganoon ang ginawa sa ‘yo ng isa sa mga matalik mong kaibigan ‘di ba.

“Ganoon pala ang plano ng p*tanginang Leonardo na ‘yun.” Puno ng poot at galit na saad nito.

“Bro calm down. Baka mamaya mahagis mo sa‘kin ang sofa na inuupuan mo.” Malumanay na saad ni Jerald ngunit bakas sa tono nito ang malapit ng matawa.

Binigyan naman ni Hunter ng isang nakamamatay na tingin si Jerald na ikinatiklop ulit nito na dahilan para matawa ulit ang buong barkada.

“Okay sabi ko nga tatahimik na.” Mahinhin na saad ni Jerald. Para itong tuta na papatayin ng kaniyang amo.

“Pakielamero kasi. Bakit ‘di mo nalang asikasuhin ang cutiepie mo?” Natatawang saad ni Philip na ikinasibangot naman ni Jerarld.

Tsk! Mga isip bata talaga ang mga ‘to. Lol

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now