31

4.4K 250 15
                                    

Hunter's Point of View

“Sweetie sana magising kana, para malaman mo na may meron na naman tayong bagong baby. And I'm happy because I am the father of your baby at sa mga susunod pang mga baby na gagawi...” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may humampas sa ulo ko ng isang papel mula sa likod, kaya naman tinignan ko ito...

“Ouch! What the f*ck is your problem?!” Inis na saad ko kay Philip.

“What the f*ck is my problem? You! Dahil malibog ka na naman. Instead na isipin mo kung paano mo palakihin ang bata pag lumabas na ito sa sinapupunan ni Louise dahil hindi ka pa marunong, ay agad mo ng iniisip ang susunod na baby na gagawin mo! Malibog ka talaga!” Mahabang saad nito habang naka cross arms pa.

“Sino ang malibog?~ Si Hunter na pala ito~” Pagkanta naman ni Jerald na nakaupo sa may bandang sulok ng hospital room habang nagtitipa sa laptop niya. Tinignan ko naman ito ng masama na ikinatigil niya.

Nandito pa rin pala kami sa Hospital hanggang ngayon sa kadahilanang hindi pa nagigising si Louise galing sa pagkahimatay niya yesterday, I already asked Henry about this situation and he said that this is just a normal to him lalo na maselan daw ang pagbubuntis niya ngayon.

Anyway, nasa private room kaming magbabarkada except kay Henry and Angel, lumabas kasi ang mga ito upang bumili ng pagkain dahil hindi pa kami nagtatanghalian, sinabi ko na sa kanila na magpadeliver nalang but they'd refused, siguro kaya ayaw nilang magpadeliver because para masolo nila ang isa't-isa.

“Shut up! Inggit lang kayo dahil wala kayong madidiligan. Tsk!” Iritable kong saad sa kanila sabay harap ulit kay Louise at tinitigan ulit ito.

Sobrang ganda niya from his long eye lashes, small and pointy nose, to the small soft pinkish rose lip... Sobrang ganda niya kahit na natutulog siya. Tila bang sleeping beauty, pero mas maganda pa siya kay Aurora.

I wonder kung magigising kaya ito pag hinalikan ko? Subukan ko kaya? Wala naman sigurong mawawala pag sinubukan ko 'di ba? Pero baka kasi, 'di ko mapigilan ang sarili ko kung mararamdaman ko ulit ang malambot at amoy at lasa nitong rosas na labi.

Argh! I want to try... Okay then, I'll try.

Dahan-dahan na akong yumuko...

Dahan-dahan ko na rin pinkit ang aking mga mata...

Habang papalapit ang aking gwapong mukha sa magandang mukha ni Louise, ay naamoy ko na agad ang mabangong scent na nanggagaling sa paghinga niya.

‘Napakabango...’ Mahinang bulong ko sa sarili ko.

I wonder kung anong ginagamit nitong mouth wash or toothpaste para makabili ako ng marami, para araw-arawin niyang gamitin para maamoy ko lagi.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat ng biglang may magsalita mula sa gilid ko...

“Ano? Amoy na amoy mo ng malibog ka? Okay na ba? Baka mamaya iba na masingot mong malibog ka. 'Di ka talaga makapaghintay depungal ka!” Nakangising saad ni Philip, habang napapaligid sa amin ang buong barkada.

“Why don't you mind your f*cking own business?!” Inis na saad ko sa kanila.

“Okay then. Pero sa susunod mo na tukahin, nasa hospital pa naman tayo. At saka maraming single dito.” Natatawang saad ni Troy na ikinatawa ulit ng buong barkada sabay alis sa tabi namin.

T*ngina! Bakit kaya ako nabigyan ng mga kaibigan na tarantado?!

Mga ilang segundo ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto na ikinatingin naman namin...

“Tsk! Tsk! Ano na naman bang kaguluhan 'to? Para kayong mga bata. Puro nalang away.” Bungad agad ni Henry habang may dala itong mga paper bag at mga kahon ng pizza. Nasa likod naman nito si Angel.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now