06

8.2K 311 30
                                    

Narrated

“Huy, Pre! Tama na 'yan, nag-uumpisa palang tayo!” Bawal ni Jerald kay Hunter dahil kauumpisa palang nila ay nakalimang bote na agad sila ng alak, ngunit imbes na makinig si Hunter sa kaibigan nito, ay kinuha niya pa ang bote ng alak at doon uminom.

Kasalukuyan silang nasa Bar ng kaniyang kaibigan na si Philip. Kasama niya ngayon sina Jerald, Philip at ang kaibigan niyang Doctor na si Henry.

Pagkatapos kasi ang mga nangyaring eksena sa Airport ay inaya niya na ang mga kaibigan nito at dumeretso sa bar ng kaniyang kaibigan na si Philip para uminom.

Hindi alam ng mga kaibigan nito kung anong dahilan kung bakit na naman ito nag-aya para uminom.

“Pre, ano na naman ba ang problema?” Tanong sa kaniya ni Philip sabay kuha sa hawak nitong bote.

“None! Gusto ko lang uminom. Bakit ayaw niyo ba?” Saad naman ni Hunter sa mga kaibigan nito.

Ngunit ang mga kaibigan nito ay parang hindi kumibinsido sa sinabing dahilan.

“Hindi naman sa ayaw naming uminom, kundi dahil hindi ka naman nag-aayayang uminom either na may problem o may nangyaring maganda.” Mahabang saad sa kanya ni Jerald.

“Tama, atsaka sa itsura mo palang ngayon parang may problema ka. Tell us para matulungan ka namin.” Saad naman sa kanya ni Henry.

Ngunit nabigla nalang ang magkakaibigan ng biglang tumayo ito sabay hagis sa bote ng alak na hawak niya sa sahig.

‘Plask!’

“Sabi ngang wala eh! Bakit ba ang kulit ninyo ah!” Sigaw ni Hunter na ikinatingin ng mga tao sa lugar na ‘yon.

“Pre, sorry okay! Calm down! Hindi ka namin pipilitin if na ayaw mong sabihin saamin 'yan.” Pagkalma sa kanya ni Hunter sabay hawak sa kanya ni Henry.

Ngunit parang mali hata ang ginawa ni Henry dahil bigla siyang tinulak ni Hunter na nagpaupo sa kanya sa sahig na ikinabigla ng magkakaibigan.

Dali-dali namang pinuntahan ni Philip si Henry para makatayo.

“Calm down! Paano? Why should i calm down if my wife was stealing that motherfucking leonardo! Tapos they've a daughter!” Sigaw nito at isang bagsak na naman ulit ng isang bote sa sahig na ikinabigla nilang lahat.

Dahil sa narinig ni Philip sa dahilan ni Hunter ay parang nainis 'to kaya naman lumapit si Philip kay Hunter at binigyan ng isang malakas na suntok si Hunter na ikinatumba niya sa sahig at ikinabigla ng lahat.

Kaya naman dali-daling lumapit si Henry kay Philip at si Jerald naman ay nilapitan si Hunter na nakatumba sa sahig.

“Philip! Tama na 'yan, may pinag-dadaanan lang siya kaya 'wag mo nang patulan.” Awat ni Henry kay Philip ngunit hindi 'to pinakinggan ni Philip.

“Hindi pre! Sumosobra na kasi itong kaibigan natin eh! Palagi nalang tungkol kay Louise! Palagi nalang Louise! Louise! Louise! Hindi ka ba nagsasawa huh? Pagpumupunta ka dito para uminom ay palagi nalang  tungkol kay Louise ang problemang dinadala mo!” Sigaw ni Philip sa kanya, dinuduro-duro niya pa ito.

May nag-aaway oh!

Ayy diba si Mr. RC 'yun? Bakit kaya sila nag-aaway?

Ang pinag-aawayan ba nila ay si Ms. Louise Suarez, yung sikat na Model?

Abah malay ko! Ang dami kayang Louise na pangalan! Makinig ka nalang!

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now