01

13.2K 592 131
                                    

Hunter's Point of View

“Ano?! Palagi nalang ganiyan ang gagawin mo? Magpakalasing, magpapakalunod sa bisyo mo? Tignan mo nga ang itsura mo Hunter, para kang drug addict sa kanto. It's been years Hunter. Ilang years mo na siyang hinahanap pero hanggang ngayon ni-isang hibla ng buhok niya wala ka paring mahanap. You need to Move on now Hunter. Maghanap ka nalang ng bago. Ang daming babaeng nagkandarapa sayo Hunter.” Mahabang sermon sa'kin ni Philip.

It's been years simula nang itakwil ko siya.

It's been years simula ng hanapin ko siya.

It's been years simula nang naging miserable ang buhay ko.

It's been years simula ng magsisi ako sa naging desisyon ko.

Tama siya na maraming babaeng nagkandarapa sa'kin dahil na rin siguro sa physical kong anyo pero nirereject ko sila dahil alam ko naman ang habol nila - katawan, kasikatan, at pera.

Nandito ako ngayon sa Pub ng kaibigan ko na si Philip. Everyday akong nandito para lang uminom, para kahit konti lang man ay maibsan ang sakit na dulot ko mismo sa puso ko.

Sometimes sabi ng isip ko ‘Sumuko ka na’ sabi naman ng puso ko ‘Laban lang, mahahanap mo rin siya’.

“Kung hindi mo sana siya 'tinakwil noon, ay hindi sana aabot sa ganito ang buhay mo o ninyo. Pero hindi, itinakwil mo na nga siya pinagsabihan mo pa siya ng masasakit na salita.” Mahabang sermon na naman ni Philip.

“OO NA! Ilang ulit mo pa bang sinabi sa'kin 'yang salitang 'yan huh?! Oo na kasalanan ko na!” Sigaw ko sa kanya na ikinatingin ng mga tao. Tinignan ko naman sila ng masama.

“Anong tingin tingin niyo diyan Huh?! Gusto niyo bang pasabugin ko mga mukha niyo huh!?” Sigaw ko sa kanila na ikinayuko nila, siguro dahil takot. Ilalabas ko na sana ang baril ko sa tagiliran pero may biglang humawak sa balikat ko, hinarap ko naman ito.

“‘Wag mong itutuloy yan, baka makasuhan kapa.” Mahinang saad sa'kin ni Philip.

‘T*ngina! Kasalanan ko ito eh!’ Saad ko sa sarili ko at napasabunot nalang.

Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na may basang tumutulo galing sa mga mata ko...Luha?

“Ang tinaguriang Cassanova-Boss Hunter Royal Caribbean ay naglulugmok ngayon sa kanyang bisyo dahil lang sa isang BAKLA!” Mahinang saad ni Philip pero okay narin para marinig ko, ngunit nang marinig ko ang salitang pinakaayaw kong sabihin nila ay parang nandilim bigla ang paningin ko...

“T*ngina mo! Kaibigan kita ‘di ba?! ‘Di ba alam ko kung ano ang pinakaayaw ko? Ang tinatawag na ganiyan ang asawa ko!? T*ngina ka!” Saad ko sa kanya.

Mga ilang saglit pa ay napansin ko nalang na kinikwelyuhan ko na siya.

Kita ko ang takot sa mukha niya ngunit napalitan ito ng ngisi at tinulak ako.

Dahil sa kalasingan narin ay napadausdos ako sa may mesa.

“Asawa huh?! Ni-hindi nga kayo naging magkasintahan tapos sabihin mong asawa mo siya!” Galit na sigaw nito saakin.

“Wala kang paki!” Tanging saad ko lang sa kanya habang tumatayo.

“May paki ako sayo Hunter! Dahil kaibigan kita. Hindi kita sinesermonan dahil sa mga kasalanan mong ginawa kay Louise, pinapaalala ko lang ang mga ginawa mo sa kanya para maging aral ito sa iyo at par a magbago ka. Araw-araw kong sinasabi ito sa iyo pero parang wala man nangyayari. Tignan mo nga ang itsura mo! Naging losyang kana! Kung ako sa iyo, aayusin ko na ang sarili ko dahil baka bukas? Mamamaya? Soon pa yan ay baka biglang dumating o mahanap ang asawa mo.” Mahabang saad nito sabay alis.

I feel bad para sa kaibigan ko. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit na ganito na ang sitwasyon ko ay tinutulungan parin niya ako pero hindi ko alam na sumobra na pala ako sa limit ko. Siguro ngang magbago na dapat ako.

Napagdesisyunan kong umuwi na. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi sa bahay ko. Hindi pa naman ako lasing eh, malakas ang tolerance ko sa alak.

Nang makarating ako sa bahay ay pinark ko na ang kotse ko at pumasok na, pumunta muna ako sa kusina upang uminom ng tubig at nadatnan ko doon si Nana Edna habang naglilinis ng sink.

“Juskong bata ka! Saan ka na naman ba galing huh? Kumain ka na ba? Wait lang paghahanda kita.” Nagaalalang saad nito sa'kin.

“Sa labas lang po Nana at no need po Nana, I'm not starving po.” Saad ko sa kanya at kumuha na lang ng tubig. Alam kong tinitignan niya ako ng may pagalala pero hindi ko nalang pinapansin pa 'yun.

“Good Night Nana.” Saad ko sa kanya at umakyat na sa kwarto. Narinig ko naman itong nag 'Good Night' din.

Ako nalang magisa sa buhay tanging si Nana Edna nalang ang kasama ko dahil namatay na ang mga magulang ko dahil sa car accident. Wala din akong kapatid dahil only child lang ako. Kaya saakin lahat naka-pangalan ang mga property ni Papa including yung limang na Kumpanyang hawak ko. Noong una mahirap dahil ang daming proseso pero dahil nga BM naman ang kurso ko that time na nagaaral pa ako ay nagiging madali narin para saakin hanggang napalago ko ang mga ito. Ngayon ay isa na ako sa pinakasikat na business man sa buong mundo.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay hindi na ako nag-abala pang maligo, mabango pa naman ako eh.

Habang nakahiga ako sa kama ko ay biglang nagring ang phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tinignan ang call name - Si Jerald - kaya naman sinagot ko ito.

“Hell...” Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita...

“Hunter! Buksan mo ang Tv mo at manuod ka ng News. Dalian mo na!” Sigaw ng kabilang linya, ngunit nababakas sa tono nito ang saya.

“Wtf Jerald! Pwede bang hinaan mo ang boses mo nakakasira ng eardrum. Bakit ako manood ng Tv huh? Ano na naman ba 'yun? Spill it out?!” Inis kong saad sa kanya.

“No! Manood ka na ngayon din!” Saad nito at bigla akong binabaan ng telepono.

“T*ngina!” Mahinang bulong ko at bumaba na sa sala, Kinuha ko na ang remote at umupo sa sala.

Hindi ko narin napansin si Nana Edna, siguro natutulog na 'yun dahil oras na rin eh.

Pagkabukas ko palang sa Tv ay parang nanghina na ako at the same time nakaramdam ako ng saya at lungkot din sa mga nalaman ko.

Masaya dahil makikita ko ulit siya at uuwi na siya dito sa Pilipinas. Malungkot na may galit dahil may anak na pala ito.

The Famous model and CEO of the "The Butterfly Fashion Industry" in Los Angeles, California 'Louise Suarez' will visit here in the Philippines with her 5 years old beautiful daughter.

Ang laki ng pinagbago niya. Kung dati ay napakaganda nito ngunit ngayon, mas lalo itong gumanda.

Pero nacurios lang ako dahil 'Louise is gay' paano siya magkakaanak, arghhh! sino naman kaya ang maswerteng putanginang nakagalaw/nagalaw ng asawa ko. Iniisip ko palang ito ay parang papatayin ko na siya.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now