05

8.5K 404 22
                                    

Hunter's Point of View

Pero mga ilang saglit lang ay may naramdaman akong presensya ng tao sa likod ko.

“Ikaw siguro noh?!” Rinig kong saad niya kaya naman ang ginawa ko, hinarap ko siya ng bigla at sabay yakap.

Alam kong gulat ito sa ginawa ko at alam ko rin na gulat din ang mga tao sa paligid namin pero wala akong pake.

Nagpupumiglas pa ito pero mas lalo ko paring hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Parang nag-slow mode ang mundo ko.

Napakasarap sa feeling na nayakap ko siya ulit.

Napakasarap sa feeling na maaamoy ko siya ulit.

Sana ganito nalang kami habang buhay.

Ngunit hindi mangyayari ‘yun, dahil alam kong hindi pa niya ako napapatawad sa mga nagawa ko sa kanya.

Mga ilang sandali pa kaming magkayakap ng biglang sumigaw na boses matinis at maliit.

“Papa!”

Kaya naman dali dali akong kumalas na sa yakap at tinignan kung sino ang sumigaw.

Ngunit pagakaharap ko palang sa sumigaw, ay biglang nanglaki ang mga mata ko.

Isang batang babae na kamukha ko. As in kamukha ko talaga, para siyang girl version ko.

‘Ito na ba ang anak niya?’ I asked myself.

Pero mas lalo akong nagulat ng bigla itong lumapit kay Louise at bigla siya nitong niyakap.

“Papa, bakit po kayo umalis?” tanong nito  kay Louise ngunit bago pa makasagot si Louise ay bigla itong tumingin sa‘kin.

“Papa, siya na po ba ang Daddy ko?” Biglang tanong nito kay Louise na lalong gumulat sa‘kin.

Kaya naman tinignan ko si Louise ng may pagtataka, ngunit bakas sa mukha nito ang pagkabigla at the same time takot.

Bakit niya nababanggit ang mga salitang ‘yun?

Hindi ba si Mark ang totoong ama ng batang ito?

Meron ba akong dapat malaman?

“Hello po, ikaw po ba Daddy ko?” Tanong ulit nito.

Ngunit imbes na sagutin, ay tinitigan ko lang. At habang tinititigan ko ito ay parang may kakaiba akong narardaman ngunit hindi ko ito mapaliwanag kung ano ito.

Lalapitan ko na sana ang bata ng bigla nalang akong itulak ni Louise na nagpaupo sa‘kin sa sahig at sabay hawak sa kamay ng anak niya na si Sofie sabay takbo.

“Wait!” Sigaw ko ngunit hindi nila ako pinakingganan, patuloy lang sila sa pagtakbo papalayo sa‘kin.

‘It can't be! Dapat masundan ko sila.’

Kaya naman dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo sa sahig, ngunit patayo palang ako ng may biglang sumagi sa‘kin na nagpaupo ulit sa‘kin, kaya naman tinignan ko ang sumagi sa‘kin ngunit nakatalikod ito habang may hawak na phone, kaya naman tinapik ko ito.

“Are you blind huh?!” Iritable kong saad sa kanya.

Ngunit lalo akong na-inis ng hindi man ito kumibo, kaya naman muli ko itong tinapik.

“Dude! Are you deaf huh?!” Inis kong saad sa kanya.

Ngunit hindi na naman ito kumibo kaya naman tatapikin ko sana siya ngunit bigla itong humarap sa‘kin...

“What?!” Saad nito.

Gulat ko itong tinitignan, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya pala ang sumagi sa‘kin, ang nagtraydor sa‘kin. Ang kumuha sa asawa ko.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon