30

4.5K 211 10
                                    

Mark’s Point of View

Nakatayo ngayon si Ari at ako naman ay prente lang na nakaupo sa sofa habang pinapanood itong magsermon sa limang mga tauhan ko na nakaluhod ngayon sa harapan niya. Sinesermonan niya ang mga ito dahil nga hanggang ngayon ay ‘di pa rin nahahanap ng mga tauhan ko si Louise at ang p*tanging Hunter na ‘yun. Mag tatatlong linggo na at hanggang ngayon wala pa kaming alam kung nasaan ang mga ‘yun.

Anyway, nandito kami ngayon sa isang warehouse dito sa Manila na pagmamayari ko. Actually ‘di naman siguro matatawag na ware house ‘to dahil luxury ang loob nito, siguro sa labas para pang destruct sa mga tao pero sa loob ay parang nasa isang casino ka. Minsan lang rin akong pumupunta dito, siguro pag may mga bagong dayo na naman. You know, the illegal things, like this.

About namqn kay Sofie, nasa school siya ngayon at si Manang Lily ang nagbabantay sa kanya for the mean time. Palagi rin itong umiiyak dahil nga hanggang ngayon wala pa rin ang Papa niya. At the first place, ako rin naman ang may kasalanan sa pagkawala ni Louise, dahil sa t*nginang nararamdan ko. Well, sino ba ako? Tao lang naman ako, may nararamdaman din na hindi pwedeng pigilan.

“Ano nahanap niyo na ba?! T*ngina naman o’! Bakit sobrang tanga at bobo niyo huh?!” Galit na sigaw ni Ari sa kanila.

Habang pinapanood ko ang mga ito, ay biglang may nagpop na message mula sa phone ko, kaya naman dali dali ko itong kinuha mula sa mesa at tinignan kung ano at sino ito.

Bigla naman akong napangiti nang makita ko kung sino at ano ang message na ‘yun. Binaba ko na ang phone ko sa mesa at tumingin ulit kina Ari...

“Ari... Tama na, ‘yung baby baka mapano pa ‘yan.” Mahinahon kong saad sa kanya. Ngunit instead na makinig ‘to, binalingan niya lang ako ng masamang tingin at tumingin ulit sa mga tauhan ko.

Well, kahit na ganito pa rin ang sitwasyon namin ni Ari, may care pa rin naman ako sa kanya lalo na, anak ko ang nasa sinapupunan niya. And one more thing, kung mapano man siya, ay possible na mawala ang bata or should I say baka makunan siya, at ‘yun ang ayaw kong mangyari, dahil kung mangyayari ‘yun ay maaaring malaya na si Hunter na magiging dahilan upang mas makuha niya si Louise galing sa‘kin.

“Ma'am pasensya na po talaga. Wala po talaga kami mahanap... Hindi po talaga namin mahanap si Hunter at Louise, naghanap na rin po kami sa ibang lugar ngunit wala po talaga kaming mahanap. At saka lalo na po ngayong naghihirap po kami, dahil nga po namatay na ang pinaka leader namin na si Boss Gray, ‘di po talaga namin sila mahahanap sapagkat mas gamay niya po ang mga ganitong sitwasyon.” Mahabang paliwanag ng isa sa kanila. Bakas sa tono nito ang galit at the same time kaba.

Dahil sa mga narinig ni Ari sa isa kong tauhan, ay parang lalo itong nagliyab sa galit, ngunit tinititigan niya lang ang mga ito...

“Ah... Sumasagot sagot ka pa ah! At saka so kami pa pala ang may kasalanan dahil namatay ang bobo at tanga niyong boss?! So heto, para masaya... sumama na kayo sa kanya...”  Saad nito ngunit hindi ko narinig ang huling sinabi nito.

Mga ilang sandali pa ay bigla itong naglakad papalapit sa kinaroroonan ko...

“Sabi ko na sa‘yo pabayaan mo na sila.” Mahinahon kong saad sa kanya.

‘Susuko ka rin kasi, ano pang pinuputok ng butchi mo!’ Natatawang saad ko sa isip ko.

Ngunit akala ko lang pala ‘yun, dahil ng makalapit ito sa kinaroonan ko ay bigla niyang kinuha ang baril na nasa mesa ko...

“What are you going to do?” Seryosong tanong ko sa kanya. Ngunit binigyan lang ako nito ng isang ngisi na ikinakaba ko.

“Kung ano man ang binabalak mo Ari. Stop it. Pabayaan mo na sila.” Dugtong ko pa.

Mga ilang sandali pa ay naglakad ito papunta sa mga tauhan kong nakaluhod, akala ko kakausapin o sesermonan niya ulit ang mga ito, ngunit akala ko lang pala ‘yun dahil mga ilang segundo lang ay agad niyang kinasa ang baril sabay pinaulanan ng maraming mga bala ang mga tauhan ko na ikinagulat ko...

“MAMATAY NA KAYONG LAHAT MGA WALANG KWENTA!” Galit na sigaw nito habang pinapaulanan ng mga bala anf mga ito na lalong nagpaalingawngaw sa loob ng warehouse.

“T*ngina sisirain pa hata ang loob nito!” Inis na saad ko.

Kaya naman, dali dali na akong tumayo sa kinauupuan ko at kumaripas ng takbo papunta sa kinaroroonan ni Ari. Ng makarating ako ay agad ko itong niyakap mula sa likod sabay hawak sa kamay nito upang mapigilan ang pagpaputok nito sa baril.

“Ari, tama na. Calm down!” Mahinahong pagpapakalma ko sa kanya, ngunit parang wala itong narinig at patuloy lang ito sa pagbaril sa mga tuhan ko.

“SINABING TAMA NA! T*NGINA NAMAN ‘O!” Galit na sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya na naman.

Marahas ko itong binitawan mula sa pagkakayakap na dahilan para mapalayo ito saakin...

Tinignan naman ako nito ng masama...

“Look what you’ve done! Napatay mo na sila! Masaya kana?! MASAYA KANA?!” Galit na sigaw ko sa kanya habang tinuturo ang mga duguan at walang malay kong mga tauhan.

“Oo masaya na ako dahil napatay ko na ang mga walang kwentang taong ‘yan! Mga walang silbi! Sa susunod kasing mag-hire ka, hindi ‘yung tanga at bobo! Para hindi maging palpak ang mga plano natin!” Iritableng sigaw nito.

“Wow! Kapal mo rin, ikaw nga ‘tong walang ginawa kundi puro reklamo lang! At saka kanina pa kita pinapakalma ‘di ba?  Bakit ‘di ka nakinig?” Inis na saad ko sa kanya habang binibigyan ito ng masamang tingin.

Bigla naman kumunot ang noo nito...

“Bakit kailangan ko pang makinig kung ganiyan din naman ang mga tauhan mo! At saka bakit mo ba ako pinapakalma huh?! Anong gusto mo? Tutunga nalang ako sa isang upuan at hindi sermunan ang mga p*tanginang ‘to! At saka sinisi pa tayo dahil sa pagkamatay ng tanga at bobo nilang boss na si Gray!” Galit na saad nito.

“I know! Pero dapat matuto ka rin makinig sa‘kin! At saka pinapakalma kita kanina dahil alam ko na kung anong gagawin nating plano upang makuha ulit natin ang mga mahal natin.” Nakangising saad ko sa kanya.

Parang nawala naman bigla ang galit na nakapinta sa mukha nito at napalitan ng pagtataka...

“What do you mean?” Takang tanong nito.

“Well, we'll wait and see.”

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu