18

4.5K 264 7
                                    

Hunter's Point of View

“‘Di ba si Louise ‘yun?” Saad nito sabay turo nito sa malapit na table namin na lalaki na mukhang babae, or should I say gay na mukhang lasing na at pinaliligiran ng mga lalaking mukhang goons. Mukhang pagsasamantalahin rin nila ito, dahil panay hawak nila sa katawan ng gay.

“I think no.” Not convinced kong saad kay Jerald sabay tungga ng alak.

“Hindi, siya ‘yun. Pakatitigan mo siya...”

Pinaka-titignan ko naman ang gay, at mga ilang sandali pa ay narealise ko na siya nga ‘yun...

Si Louise.

Kaya naman agad akong napatayo sa kinauupuan ko at bigla kong napakuyom sa hawak kong baso na naglalaman ng alak.


‘P*tangina bakit may mga kasamang lalaking mga mukhang goons ang asawa ko? Asan si Leornardo?!’ Galit na tanong ko sa sarili.

Habang tinititigan ko ang mga lalaking mukhang goons dahil panay ang hawak nila sa katawan ni Louise ay parang gusto ko na silang patayin... I want to kill them!

“Bro, chill! Baka mangyari na naman ang katulad dati. Atsaka ibaba mo na ‘yan, baka masugatan ka pa.” Biglang saad ni Henry mula sa likod ko.

“Tama si Henry, Ter. Kasi kung masusugatan ang mga kamay mo, paano mo ipagtatanggol si Louise sa mga goons na ‘yun? Kaya ibaba mo na ‘yan, don't worry tutulungan ka namin.” Paghihinahon naman ni Philip sa‘kin.

Dahil sa paghinahon ni Henry at Philip sa‘kin ay dahan dahan kong binaba ang basong hawak ko.

“‘Yan, tama ‘yan Bro. Gawin muna natin niyan ay tignan muna sila. If may gawin na silang hindi kaaya aya kay Louise ay gawin na natin ang dapat gawin.” Seryosong saad naman ni Jerald.

Dahil sa sinabi ni Jerald ay parang pumitlig ang tenga ko...

“What? Hindi pa ba kaaya aya ang mga ginagawa nila ngayon?! Panay hawak sa katawan ng asawa ko!” Galit na saad ko sa kanila.

“‘Yan ang problema sayo Hunter. You're short temper. Maghintay muna tayo, pag iba na ang galaw nila pwede na natin silang patayin. Please calm down. Nandito naman tayo, we can protect your husband kahit nasa malayo tayo.”

“Argh! Fine...If they do something wrong, I'll kill them! Dila nalang ang walang latay sa kanila!” Pagpayag ko sa kanila.

“Yeah, don't worry. Nandito kami.” Saad naman ni Philip sa‘kin.

I'll surely kill them. Ayokong mapahamak ang asawa ko dahil lang sa mga galawang ganiyan.

And one more thing, kanina pa ito bumabagabag sa sarili ko, bakit hindi niya kasama ang p*tanginang Leornardo?

Bakit kaya? My curiosity is eating me right now!

Habang tinititigan ko ang mga lalaking mukhang goons, ay napansin ko ang isa na nasa likod ni Louise na hinihimas ang likod ni Louise at pababa ng pababa ang himas nito, kaya naman bago mapunta sa ang kamay nito sa ass ng asawa ko ay agad akong napatayo!

“P*tangina mong hayop ka!” Galit na sigaw ko...Bigla namang napatingin sa kinaroroonan namin ng mga tao.

Napatingin din sa‘kin ang mga kaibigan ko ng may pagtataka...

“Bro, chill... What happened?” Biglang tanong ni Jerald.

Instead na sagutin si Jerald ay kumaripas agad ako ng takbo ng makita kong paglapit ng isa para hawakan ang legs ni Louise, kaya naman bago pa man niya mahawakan ‘yun ay agad ko silang pinuntahan at binigyan ng isang suntok...

“Mga p*tangina niyo! Pati asawa ko pinagsasamantalahan niyo!” Sigaw ko sa kanila habang binibigyan ng masasakit na suntok...

Gulat. Gulat ang mga itsura ng mga nasa paligid namin ngayon.

“Ikaw! Ano bang problema mo bakit bigla kang nanununtok?!” Galit na sigaw ng isa.

“Oo! May problema ako. At kayo ang problema ko mga p*tangina niyo!” Galit na sigaw ko sa kanila sabay suntok...

Bigla namang natumba ang lalking iyun...

“Eh! Gago ka pala eh!”  Sigaw naman ng isa sabay lapit sa‘kin. Bibigyan na sana ako nito ng isang suntok, ngunit nakaiwas ako, dahilan para matumba ito sa sahig.

“Ang hihina niyo pala eh!” Sigaw ko sa kanila.

“Hey! Hunt!” Tawag pansin sa‘kin ni Louise. Kaya naman tinignan ko ito.

Halatang lasing na lasing na ito dahil sa ikinikilos niya, at nagbibigay sa‘kin ng init sa‘king katawan

“L-Louise...” Nabubulol kong saad sa kanya. T*ngina! Nag-iinit ako at prang nagkakaboner ako...

“I love you.” Biglang saad ni Louise na parang nag-struck sa‘kin.

What? Is this true?

Nabalik ako sa wisyo ng biglang may sumigaw.

“Hunter! Watch out!” Biglang sigaw ni Henry sa‘kin.

Kaya naman napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang isa sa mga goons na may hawak na upuan at mukhang hahampasin ako nito.

Hihintayin ko nalang sana ang sakit ng hampas nito ngunit mga ilang sandali pa ay bigla akong nakarinig ng putok ng baril na ikinaingay ng mga tao at biglang natumba ang lalaking maghahampas sa‘kin.

Pagkatumba nito ay nakita ko sa likod niya si Troy na may hawak na baril.

What? Troy? Bakit ka nandito?

“Boss Hunter, kunin mo na si Louise dito and go now! Baka ano pang mangyari sa kanya.” Seryosong saad nito.

Tinawag pa talaga akong Boss? Bakit niya ginagawa ito?

“Tama si Troy, Ter. Umalis na kayo. Kami na ang bahala dito.” Dugtong naman ni Jerald.

“Okay. Thanks!” Nakangiting saad ko sa kanila.

Pumunta na ako sa kinaroroonan ni Louise. Nakita ko naman na natutulog na ito, dahil siguro sa pagod at kalasingan.

P*tcha! Bakit kahit natutulog siya, bakit sobrang ganda niya parin? Why he's so beautiful?

Mula sa mahahabang pilik mata nito, sa maliit at pointed nose, sa mapupulang pisngi hanggang sa manipis, malambot at mapulang labi.

Napitlag ako sa kakaisip ng biglang may nagsalita mula sa likod ko...

“Bro, ‘wag mo siyang pagnasahan dito. Masyadong maraming tao. Mabuti pa‘t umuwi na kayo.” Natatawang saad ni Henry.

“F*ck you bro!” Inis na saad ko sa kanya sabay tulak.

Binuhat ko na si Louise ng pa-bride style at naglakad patungo sa exit ng Bar.

“Okay everyone I'm so sorry to say this but ang kasiyahan ay tapos na! Umuwi na kayo, bago pa kayo madamay!” Rinig kong sigaw ni Philip.

Bago ako umalis ay tinignan ko muna ang mga kaibigan ko. Ngunit lalo kong tinignan ay si Troy na seryosong nakikipagsuntukan sa mga goons.

Habang tinititigan ko ito, ay nagulat ako ng biglang nag-unat si Louise....

“Ughhmm... ” Ungol nito.

T*ngina! Bakit ngayon pa?!

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon