Epilogue

7K 244 40
                                    

Louise's Point of View

“Mark, I know naging mabuti kang kaibigan sa‘kin, naging mabuti kang ama ni Sofie, at nagpapasalamat ako. And I know na nagawa mo lang ang bagay na ‘yun, dahil mahal mo lang ako. Sorry Mark, dahil hindi ko nabalik ang pagmamahal mo, pero kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako dahil naging parte ka ng buhay ko or should I say buhay namin ni Sofie ng maraming taon. Thank you Mark and don't worry, pinapatawad na rin naman kita.” Mahabang saad ko habang sinisindihan ang kandila na inilagay ko sa ibabaw ng nakabaon na puntod ni Mark.

It's been four years simula nang mangyari ang masalimuot na trahedya sa‘ming buhay noon, ngunit hanggang ngayon ay nakatatak pa rin ito sa puso’t isipan ko, tila bang panghabangbuhay na ito.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang sumigaw ang damuhong naghihintay sa‘kin, ang asawa ko na si Hunter...

“Louise? ‘Di ka pa rin ba tapos diyan?” Sigaw na tanong nito habang nakasandal ss kotse niya na nasa parking lot. Halata sa tono nito ang inis. Siguro naiinis siya dahil sobrang init na.

Anyway, nandito kami ngayon sa Manila cemetery para bisitahin ang puntod ni Mark. Ilang years ko na kasi itong hindi nabibisita sa kadahilanang ayaw pumayag ni Hunter, and I don't why kung bakit ayaw niya akong papuntahin, mabuti nga ngayon napapayag ko siya. Well, actually parang pilit lang ang pagpayag niya, or should I say pumayag lang siya dahil tinakot ko siya...

—Flashback—

kaya siyang hindi na nabibisita! At saka bukas ko lang naman siya bibisitahin kasi especial ang araw bukas.” Pamimilit ko sa kanya habang nag-aayos ito ng damit para pumasok sa trabaho.

Nandito kami ngayon sa loob ng wardrobe namin dito sa bahay, at pinipilit or, should I say sinusuyo si Hunter para payagan akong pumunta sa sa puntod ni Mark.

“Still no Sweetie.” Monotonous na sagot nito sabay lapit sa kinaroroonan ko’t inabot ang necktie niya sa‘kin. Kinuha ko naman ito at sinimulan nang ayusin sa leeg niya.

“At kahit anong gawin mo, ‘di pa rin ako papayag. At saka bakit gusto mo siyang bisitahin? Siguro may tinatago kang feeling sa kanya ‘no?! Sagot!”  Nakakunot noo nitong tanong sa‘kin.

Bigla naman akong nainis sa sinabi niya, kaya naman sadya kong hinigpitan ang necktie na inaayos ko at marahas itong binitawan’t tinulak na dahilan para mapaupo ito sa sahig.

Gulat naman ako nitong tinignan...

“Punyeta ka talaga! Ano na naman iniisip mo?! At saka kaibigan ko kaya siya Hunter kaya dapat ko lang siyang bisitahin!” May diin na saad ko sa kanya habang dinuduro ito.

Mga ilang sandali pa ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo at humarap sa human size mirror namin dito sa wardrobe at inayos ng mag-isa ang necktie niya...

“Tsk! Still no pa rin, sasayangin mo lang ang oras mo doon,” Matigas na saad nito, kaya naman tinignan ko ito ng masama.

“Hunter, kaibigan ko siya kaya dapat ko lang siyang bisistahin. At saka hindi naman sayang ang oras ko non dahil nakumusta ko siya. Ngayon kung hindi ka papayag, sa sala ka matulog mamaya, at take note bawal kang humiga sa sofa, bawal kang gumamit ng mga clothes, tanging floor lang ang hihigaan mo, and I don't care kung magkasakit ka pa!” Iritableng pananakot ko sa kanya sabay lakad papunta sa pinto ng wardrobe, ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay bigla na itong nagsalita...

“Argh! Oo na! Pupunta na tayo bukas!” Inis na pagpayag nito.

Napangiti naman ako sa sarili ko habang nakatalikod sa kanya. Para bang nanalo ako ng loto.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now