32

5K 249 11
                                    

Hunter's Point of View

“Ano ba Hunter?! It's already 1:00 am in the morning at wala pa akong tulog simula kanina at gusto ko ng matulog, kung ayaw mong matulog mag-patulog ka naman please!” Iritableng sigaw sa‘kin ni Louise sabay tanggal sa mga kamay kong nakapalupot sa baywang niya.

Ayan na naman, sumumpong na naman ang mood swings niya. Ganito ba talaga ang mga buntis? Palaging may toyo?

“S-Sweetie naman, yumayakap lang ang tao. I just want to hug you, sobrang lamig kasi, I badly wanted you body heat...” Mahinahon kong saad sa kanya sabay balik ulit sa kanyang baywang ang aking mga kamay at pinalupot ang mga ito doon, inilapit ko rin ang aking mukha sa leeg niya at inamoy-amoy ko ‘yun. Putcha! Ang bango talaga...

“Isa Hunter! Nakasinghot ka ba ng katol kanina?! Lakas ng tama mo kasi. At saka sobrang init nga tapos sasabihin mo sa‘kin sobrang lamig?! Kung nilalamig ka mag-damit ka! ‘wag kang mag-shirtless, kala mo naman makikita pa ‘yan, sobrang gabi na kaya.” Iritableng saad pa nito sabay alis ulit sa mga kamay ko mula sa baywang niya. Parang nainis naman ako sa kilos nito, kaya naman napaupo ako sa kama...

Actually malamig talaga, hindi ko lang alam sa kanya bakit ‘di siya nilalamig, sobrang todo na nga ng AC dito sa kwarto pero siya ‘di man siya tinatablan. Siguro balat ng kalabaw ‘to pag-nagbubuntis.  Pero anyway, sinisigurado ko sweetie ‘wag kang ganiyan, dahil if ever man na naka-open ang lamp ngayon, baka kanina ka pa naglalaway sa perfect sculpture body ko.

“Grabe ka naman sa‘kin sweetie, naglalambing lang naman ako. Ilang araw ka na kayang ganiyan sa‘kin. Palagi nalang ganiyan ang trato mo sa‘kin...” Inis na saad ko sa kanya. Totoo naman kasi, palagi nalang siyang ganito sa‘kin simula nang umuwi kami dito sa bahay.

Five days na simula nang umuwi kami dito sa bahay. And sabi nga ni Henry ay maselan ang pagbubuntis ni Louise kaya naman sobrang alaga ko sa kanya. Gusto ko pa nga sana na hindi na kami umuwi pa dito sa bahay at doon nalang kami, but Louise declined it, ayaw niya daw kasi ang amoy ng Hospital, kaya naman umuwi nalang kami, wala rin naman akong magagawa.

Anyway, ‘di na rin natuloy ang celebration naming magbabarkada, kaya naman pinauwi ko na sila, meron rin daw kasi silang aasikasuhin sa Company and kung ganoon rin naman sabi ko sa kanila, paki-asikasuhin na rin nila si Mark, Ariana but mas mag-focus sila sa anak namin ni Louise na si Sofie. I badly want to save her pero ‘di ko kayang iwan si Louise dito, kaya naman sa kanila ko nalang pinahandle. And one more thing, hindi ko pinaalis sina Henry and Angel because I need their help.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat dahil may naririnig akong humihikbi, kaya naman agad akong napatingin kay Louise, at nakita ko itong umiiyak...

“B-Bakit n-nagsasawa ka na ba sa‘kin? ‘Di mo na ba ako mahal? Akala ko ba mahal mo ako?” Umiiyak na saad nito. Bigla naman akong kinabahan. Takte! You're so dumb Hunter! Alam mo ng buntis ang tao, sinabayan mo pa siya sa tantrums niya!

“Hindi sa ganoon sweetie...” Mahinhin kong saad sa kanya sabay hawak sa likod nito, ngunit iniwaksi niya ito at biglang umupo.

Ngayon ay parehas na kaming nakaupo sa kama at magkaharap pa kami.

“H-Hindi! Ganoon na rin ang ibig sabihin non, hindi mo na ako mahal! Bakit may babae ka na ba na kayang pumalit sa‘kin?! Ang sama sama mo Hunter... Sobrang sama mo!” From iyak it turns to hagulgol.

T*ngina! Ano ba kasing ginawa ko?!

“Argh! Hindi nga ganoon ‘yun sweetie... Sorry okay.” Paghingi ko ng pasensya sa kanya, ngunit lalo lang itong humagulgol.

“Ang sama sama mo sa‘kin, napapagod ka na ba sa attitude ko?” Sa sinabi nito ay agad ko siyang yinakap.

“Hindi sweetie, and that'll never happened.” Mahinahon kong saad sa kanya habang hinihimas ang ulo at likod nito.

Mga ilang sandali pa, naging tahimik na ang paligid, ngunit magkayakap pa rin kami, at tanging alon na lang ng dagat ang naririnig namin ngayon.

Ngunit mga ilang minuto lang ang lumipas ay nagulat ako ng bigla na naman itong umiyak...

“Kung ganoon mahal mo ako, bakit ka nagrereklamo kanina na palaging ganito ang asal ko sa‘yo?” Humahagulgol na saad nito.

Argh! Paano ba ‘to?! Dapat pala natulog nalang ako kanina, at hindi na siya niyakap para peaceful ang gabing ito.

“No, hindi ako nagrereklamo. Sorry okay. Let's just forget about it.” Mahinahon kong pagpapatahan sa kanya.

“Okay, but hindi pa rin kita mapapatawad dahil pinaiyak mo ulit ako...”

‘Wow! Ako talaga ang magpaiyak sa‘yo? Ikaw nga ‘tong, bigla nalang umiyak kahit pinapatulog na kita.’ Natatawang saad ko sa sarili ko.

Pero instead na sabihin ‘yun ay iniba ko nalang baka kasi magkatantrums ulit...

“Hey, I'm sorry na nga. But I'll do anything para mapatawad mo ako.” Saad ko sa kanya. Bigla naman itong kumalas sa yakap namin at hinarap ako nito na may kislap sa mata at ngiting kay ganda.

“Anything?” Paninigurado nito. Parang bata ito kung kumilos, at ‘yun ang gusto ko sa kanya. Dahil I'm his daddy and he's my baby.

“Anything. So, what do you want?” Masayang tanong ko sa kanya.

“Ahmm, I want dried fish, ‘yung crunchy and Ice cream with cucumber and peanut butter flavor.” Nakangiting saad nito.

Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Seriously?! Meron bang ganoon dito?! Kung ‘yung dried fish, marami dito pero ‘yung Ice cream with cucumber and peanut butter ay malabo ‘yun? Saan ako kukuha ng mga ganoon...

“Are you serious Louise? Wala naman ganoon dito, lalo na ang Ice cream na gusto mo.” Mahinahon kong saad sa kanya para ‘di ulit siya umiyak, pero akala ko lang pala ‘yun, dahil bigla itong nagpout at tinignan ako ng nakakaawa.

T*ngina! Suko na ako sa kanya. I can't handle his cuteness.

“Okay fine. ibibili kita tomorrow, but from now matulog muna ta...” He cut me off...

“NO! I want now... Gusto kong kumain ng ganoon ngayon. You said you'll do anything para mapatawad kita. Are you breaking your promise to me awhile ago?” Nakapout na saad nito habang pinapakita ang teary eyes niya.

T*ngina lang talaga! How can he be so cute kahit na umiyak na siya?! Pag kayang umiyak rin ako, gwapo pa rin ba ako?

“N-No, no. I didn't break it. But I just wonder that it's too early para bilhin ang gusto mo...” Nabubulol kong saad sa kanya.

“Sabi ko na nga ba, hindi mo na talaga ako mahal!” Saad nito habang tinitignan niya ako ng teary eyes. Putcha! Ayoko na siyang umiyak, kaya naman ibibigay ko na ang gusto niya...

“Argh! I love you sweetie, don't worry pupunta na ako. Just wait for me okay?” Mahinahon kong saad sabay tayo at alis sa kama. Tumungo ako sa closet ko at kumuha lang ng isang white t-shirt at sinuot ito.

“Okay. Bilisan mo please. Take care.” Nakangiting saad nito.

“I will sweetie.” Saad ko sa kanya sabay lapit sa kinaroroonan nito sabay yuko at binigyan ito matamis na halik.

Mga ilang segundo ang lumipas ay kumalas na rin kami sa halikan.

“Gotta go now sweetie.” Saad ko sa kanya, nginitian naman ako nito.

Nagtungo na ako sa pinto ng kwarto at lumabas na.

“I hope may mahanap ako ng ganitong oras, dahil kung hindi, baka magkaroon na naman siya ng tantrums at ‘di na ako kausapin pa.” Mahinang bulong ko.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon