08

6.9K 326 9
                                    

Mark’s Point of View

“Louise are you okay?” Tanong ko sa kanya.

Humarap naman ito sa‘kin at binigyan ng isang tango. Nag-aalala na kasi ako sa kanya kasi kanina pa siya nakatulala, tapos bigla nalang mamumula ang mga pisngi at tenga niya tapos bigla nalang niyang iiling ang ulo niya. I wonder kung iniisip niya pa ang mga nangyari kanina.

Paano ba naman kasi nakita namin ang isa't-isa na hubo't hubad, hindi ko naman inaasahan na mangyari ‘yon kasi nga alam ko lang na wala na siya sa CR ng mga oras na ‘yun. At pagkakaalam ko na nasa kwarto na siya ni Sofie para maghanda ng gamit nila para sa pupuntahin namin.

Atsaka hindi naman kasi naka-lock ang pinto, kaya naman naisip ko na wala ng tao sa CR na 'yun. At usually kasi siya pa ang nauunang natatapos saamin pagnaliligo.

Pumunta lang rin naman ako sa CR na ‘yun ay para kunin ang  isa sa importanteng gamit ng mga lalaki, nakalimutan ko kasi sa CR na ‘yun noong last time na may ginawa ako doon.

Kaya naman hanggang ngayon hindi ko na maalis sa isipan ko ang katawan ni Louise, mula sa balingkinitan niyang katawan, sa maputi at makinis niyang balat hanggang sa matambok niyang pang-upo.

Naiisip ko palang ang mga 'yun ay nagakakaroon na ako ng boner.

Sh*t lang talaga!

Anyway nagbiyabiyahe kami ngayon papunta sa isang sikat na Resort sa Puerto Prinsesa para makapag-relax naman kami. Napapansin ko kasing palagi nalang siyang nagkakaroon ng nightmare.

Palagi ko nalang itong naririnig umiiyak o kaya naman sumisigaw hindi naman kasi sound proof ang kwarto niya pati narin ang kwarto ni Sofie, para kung may manyari man sa kanila ay agad ko itong maririnig.

Pag naririnig ko na siyang sumisigaw o kaya naman ay umiiyak ay dali dali na akong pupunta sa kwarto niya.

Tinanong ko naman siya tungkol sa mga masamang panaginip niya, pero palaging sagot lang niya ay ang salitang ‘Pagod’. Pagod lang daw siya sa mga bagay-bagay.

Ngunit sa bawat dahilan niya ay parang hindi ako konbinsido dahil alam ko kung kailan siya nagsasabi ng totoo o hindi.

Napansin ko rin nagsimula siyang naging ganito ng muli silang magkita ni Hunter sa Airport ng umuwi kami.

—Flashback—

Louise! Louise! Louise!

Louise! Louise! Louise!

Louise we love you po!

Louise pa sign naman po ito!

Rinig kong sigaw ng mga tao habang naglalakad kami papunta sa loob.

“Mark, I need to go to the CR okay? Susunod nalang ako sa inyo.” Saad sa‘kin ni Louise. At mabilis ko naman tinanguan.

Nagpatuloy kami ni Sofie sa paglalakad papunta sa loob.

“Daddy Mark, bakit po nila sinisigaw ang name ni Papa tapos po may tarpulin pa po?” Biglang tanong sa‘kin ni Sofie habang nakahawak ang kamay nito sa kamay ko.

“Because your Papa is very famous model baby! Gusto mo bang maging sikat na model paglaki mo?” Masiglang saad ko sa kanya.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now