11

5.5K 276 9
                                    

Louise's Point of View

“Where are we going Mark? Bakit kailangan pa ng blindfold?” Tanong ko sa kanya.

Ano na naman ba ang pakulo ng lalaking ito?

“Just chill Louise. Maghintay ka lang.” Natatawang saad nito.

“Malayo pa ba?” Iritableng saad ko sa kanya.

“Konti nalang. Louise pwede ba, maghintay ka. Just a minute nalang malapit narin naman.” Inis na saad nito.

Wow, siya pa ang may ganang magalit? Samantalang kanina pa kami naglalakad.

“Argh! Fine.” Pagsuko ko sa kanya.

Anyway, nandito na kami ngayon sa Puerto Prinsesa. Noong nakaraang araw pa kami nakarating dito.

Mabuti nalang din, nakalimutan niya na ang muntik naming pagkaaksidente, dahil kung hindi, baka hanggang ngayon malungkot ang bakasyon namin.

Habang inaalalayan niya akong maglakad ay narinig ko itong kumanta.

It's like you got superpowers~,
Turn my minutes into hours~’

Napakaganda talaga ng boses niya, 'yung parang nasa langit ka dahil sa boses niya. Siguro sa matagal naming pagsasama, mga tatlo o apat na beses ko lang siyang narinig na kumanta.

You got more than 20-20, babe~'
Made of glass the way you see through me~’ Pagtigil nito.

“Oh, bat ka tumigil?”  Tanong ko sa kanya.

“Wala lang, ang boring kasi ng kanta eh.” Walang ganang saad nito.

“Wow! Boring pa pala ang kantang 'yun? Ang ganda kaya non...Kaya tuloy muna, atsaka gusto ko ulit marinig ang boses mo.” Nakangiting saad ko sa kanya sabay bitaw sa pagkakahawak niya at inangkla ko ito sa mga braso niya.

“Really? Gusto mong marinig ang boses ko? Baka niloloko mo lang niyan ako ah. Atsaka gusto mo lang marinig ang boses ko bakit umangkla ka pa?” Natatawang saad nito.

“Oo nga, atsaka ayaw mo bang angklaan kita?” Nakapout kong tanong sa kanya sabay bitaw sa pagangkla sa kanya.

“Hin...”  I cut him off.

“Siguro kaya ayaw mo na akong umangkla sayo meron ka ng gusto noh, luh? Sino naman 'yun?” Pag iinarte ko.

Hinawakan ako ulit nito and he giggled before he answer my question...

“Oo meron na akong gusto. Bakit nagseselos ka ba?” Saad nito. Hindi ko man nakikita ang pagngiti at pagpigil nito sa tawa, ngunit nararamdaman ko naman ito.

“Argh! Bakit naman ako magseselos. Atsaka maganda narin na magka-girlfriend kana, ang tanda muna kaya.” Natatawang saad ko sa kanya.

“Ako? Matanda na? Sa gwapo kong ito.” Mahangin nitong saad.

“Atsaka, ikaw nga wala pang boyfriend eh. Tumatanda ka narin.” Natatawang dugtong pa nito.

“Paki mo! Atsaka kahit na wala akong boyfriend, maganda parin ako at sexy, hindi katulad mo...Mukha ka ng losyang.” Pagpipigil sa tawa kong saad sa kanya.

“Wala naman akong sinabing pangit kana eh.” Natatawang saad nito.

“Atsaka, kung magboboyfriend man ako, gusto ko 'yung matino na.” Seryosong saad ko.

Ayoko na kasing mangyari ulit ang dati. Kasi sobrang sakit ang naranasan ko non.

“Ako...” Saad nito.

HIDING SERIES 2: The Mistake (COMPLETED)Where stories live. Discover now