Chapter 36

17.5K 635 162
                                    

Kapag naging libro ba ang Taming Hades o isa sa mga stories ko bibili kayo? 🥺👉👈

Iyon lang sige basa ka na hehe.

Enjoy! ❤

EISHA'S POV

"Dito na lang," sabi ko. Tumango ito bago ginilid ang kotse.

Nahuli ko na naman siya na nagpipigil ngiti. Pinaglalaruan niya pa ang ibabang labi niya kaya mas lalo ako nainis.

"Hindi ka talaga titigil?" Irita kong sabi. Inosente niya naman ako tinignan.

"What? Did I do something wrong baby?" Tanong niya. Napairap ako dahil mukhang siya bata na nagsisinungaling.

Nilingon ko si Viena na natutulog sa likod. At bigla ko naalala ang balak ko sanang itanong kay Hadrian.

"K-kanina nung natutulog si Viena ay nabanggit niya ang mommy niya. Nasaan mommy niya?" Tanong ko.

Ang tatay ni Viena ang kapatid ni Hadrian. Once ko lang nakita ang kapatid niya pero hindi ko masyado nakita ang kabuoan ng mukha niya dahil nag nagmamadali siya umalis non.

Hindi ko pa nakikilala ang mommy ni Viena. At walang binabanggit si Hadrian tungkol doon maging si Viena ay laging bukambibig ang daddy niya.

"Her parents were divorced, Eisha. She misses her mother because she doesn't bother to visit her everyday." Sabi niya kaya napatingin ako kay Viena.

Bigla ako nakaramdam ng awa para sa bata. Siguro nahihirapan siya dahil sa murang edad ay hiwalay ang magulang niya.

Samantalang ako ay tila patungo na doon kung sakali ay mag away muli ang magulang ko nang mas malala.

Nakakahanga dahil sa murang edad ay natutunan niya indintihin ang sitwasyon ng magulang niya kahit mahirap at masakit para sa kaniya.

Hindi ko maiwasan na ma-imagine ang aking sarili sa sitwasyon niya kapag nangyari iyon. Ito ang pinaka kinatatakutan at araw-araw humihiling na sana ay hindi kami humantong sa sitwasyon na iyon.

Ayoko mag hiwalay ang magulang ko. Kahit sumuko na si Kuya Gael sa kanila, hinding hindi ko gagawin iyon. Mas gugustuhin ko na maging matapang na harapin ang lahat ng problema kaysa takasan ang lahat na iyon.

"What about your mother?" Wala sa sarili kong sabi kaya natigilan siya.

Maging ako ay napamura sa aking isipan dahil hindi ko sinasadyan na itanong iyon.

"I-I'm sorry, I didn't mean to--"

"She left us," tugon niya kaya napatingin ako sa kaniya. Kitang kita sa mga mata niya ang sakit at pag iisa.

"H-hadrian..."

"She used my father, including us. She wanted to be saved from her poverty and debt. In short, she is a gold digger. She played with our feelings, she hid her true colors. She was good at acting." Sabi niya at kinuyom ang kamao.

Maybe this was Zaryl's trying to say to me. Playing his feelings must hurt him so much in the past.

"Did you love her?" Tanong ko kaya napatingin siya saakin. Nagbuntong hininga ito.

"Of course, she was my first woman in my life." Sabi niya. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"But she was the reason why my sister was kidnapped." Bigla niyang sabi.

"P-paano?"

"All those fucking years, she was a good mother to us. She is sweet, helpful, kind and no one can describe her for being a good mother. But damn it, she suddenly left us for a man! She promised me that she will come back to us. She was carrying my sister that time and I just turned my back for a while and my sister was already kidnapped and my mother was gone." Kwento niya.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon