Chapter 63

13.4K 601 141
                                    

Magdidilim na nang bumalik sa temple si Persephone. Naabutan niya ako na naghihikab habang nakahiga sa magarbong upuan sa harapan ng kaniyang trono. Sa gulat ko 'nung bumalik siya, natumba ako kaya natawa ang lahat.

Kasalukuyan ay nasa labas kami kung saan nakatayo sa malawak na lupain. Nais niya ilibot ako sa buong Mt. Olympus kung maaari habang nandidirito pa ako. Habang naglalakad si Persephone, napansin niya ang patay na bulaklak kaya napailing siya.

Pumikit lang siya sandali at nabuhay agad ito. Nahulog ang panga ko sa mangha. Paano niya nagawa iyon na nakapikit lang? Habang ako ay kailangan gamit kamay pa.

"Buti ka pa, bumubuhay ang mga bulaklak sa'yo. Samantala ako, namamatay habang hinahawakan ko. Hindi naman ito ganito dati." Sabi ko habang nakaluhod at nakanguso sa bulaklak.

Bigla siya natawa nang mahina kaya napatingin ako sa kaniya.

"You slept with Young Hades, didn't you?" Nasamid ako sa sariling laway dahil sa sinabi niya. Dinaig ko pa ang kulay ng kamatis ngayon.

"P-persephone! Ano naman connect ng bulaklak sa sinasabi mo?" Magkasalubong kilay na sabi ko.

Napangiti siya na tila nangaasar. Lumapit siya at tumayo sa aking likuran. Kinuha niya ang kamay ko at marahan na nilagay sa bulaklak. Tulad ng inaasahan ko, namatay ito.

"Diba? Unfair..." Ngusong sabi ko. Natawa ulit siya.

"This dark power is from your lover, child. When you sleep with the God of Underworld, it awakens your inner dark power. And it seems you don't know how to control it and activate your power back to normal." Ngiting sabi niya.

Nilagay niya ang daliri niya sa aking noo ko kaya kumunot iyon. Ilang sandali, nabuhay ulit ang bulaklak na hawak ko. Nahulog ang panga ko at napatayo sa gulat.

Pero agad rin nabura ang ngiti sa labi ko nang maalala ang sinabi niya kanina. Tumikhim ako at umayos ng tayo.

"U-uhm, saan na ba yung waterfall na sinasabi mo?" Pagbabago ko na topic at nagsimula na maglakad.

Narinig ko ulit siya tumawa kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Bwisit, alam kaya ni Hadrian tungkol dito? Tss, siguradong oo. Iyon pa, eh ang daming alam non pagdating sa ganito.

"At your back, Eisha..." Sabi nito kaya napalingon ako sa aking likuran.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang higanteng talon sa aking harapan. The water was light blue and it was shining. It's so magical and satisfying to see. At sa likod nito ay may malaking bundok. Nakakalula sa laki.

Sumabay pa ang maliliit na umiilaw na insekto sa paligid kaya mas lumawak ang ngiti sa labi ko. Napaluhod ako sa damuhan at tinignan ang sarili sa tubig.

Kumabog ang dibdib ko nang makita ang sarili. Ang laki ng pagbabago ko, I really look like a Greek Goddess. I look like a princess and Persephone is the Queen, well she's really a Queen though.

"This waterfall is our way to communicate with the Mythians in other worlds. I know you still remember your dreams, Eisha." Ngiting sabi ni Persephone habang nakatingin sa talon.

Namangha ako sa sinabi niya. Itong talon na 'to ay nagsisilbing daan para makita ko siya sa panaginip ko. The nostalgic feeling was attacking me as I closed my eyes.

Parang kailan lang...

Umupo ako sa lupa habang pinaglalaruan ang tubig. Pinanood lang ako ni Persephone kaya napangiti ako. I can see the reflection of the moon from this water. It's full moon, for our world it's normal and plain but here, it was magical and mystical.

"Are you ready for tomorrow, Eisha?" Natigilan ako sa sinabi ni Persephone.

Nagbuntong hininga ako at tumango. Malungkot ko tinignan ang tubig habang pinaglalaruan iyon.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon