Chapter 24

18.1K 739 235
                                    

KINABUKASAN ay maaga ako gumising. Mag aalmusal daw kami sa baba. Hanggang apat na araw daw kami dito sa resort na ito. Sabi ni Leigh sa kanila ni Zaryl na parang bakasyon na rin daw namin ito kaya sulitin na daw namin.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga nalaman ko. May gusto sa akin si Keidon?

Ngayon ko napagtanto na dinadaan niya lamang sa mga biro niya ang tunay na nararamdaman niya sa akin. Gayunpaman, hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot dahil nasasaktan si Avianna.

Ang tagal niya nag tiis, kung ako iyon ay matagal tagal na rin ako lumayo. Pero matibay si Avianna, kahit nasasaktan na siya pinili niya pa rin sumama sa amin.

Nagbuntong hininga na lang ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, laking salamat ko na nawala ang marka sa aking leeg. Mukhang expert na expert si Hadrian pag dating doon.

Speaking of Hadrian, ipapakilala ko daw siya mamaya. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o magiging masaya dahil doon. Nakokonsesya ako dahil sa sinabi ko kahapon hindi ko rin alam kung bakit.

Kay Keidon naman ay labis ako nagulat. Parang unexpected ang mga nalaman ko, inaamin ko na gwapo at ideal man siya ng lahat. Pero hindi never ako na-attracted sa kaniya. Parang isa rin sa kuya ko ang pag tingin ko sa kaniya.

"Good morning," nagulat ako na bumukas ang pinto ng kwarto ni Zaryl. Ngumiti ako.

"Good morning! Kamusta na man ang pag inom niyo kagabi?" Sabi ko na may halong sarkastiko.

Napahinto ito sa pag kusot ng mga mata tsaka napatitig saakin. Natawa ako nang napamura ito ng mahina.

"Don't tell that you're the one who brought me here? Shit, I shouldn't have agreed to drink alcohol." Bulong niya pa sa sarili niya kaya natawa ako.

"Ayos lang, tsaka Persephone naman ata 'to." Sabi ko at ngumisi kaya napangiwi na lang siya.

"Coffee?" alok ko sa kaniya. Tumango ito.

"I badly need that one." Sabi niya kaya pareho kami natawa.

Bumalot ang katahimikan sa amin. And since kami lang ang una na nagising, siguro tamang oras na ito para sabihin sa kaniya ang tungkol kay Hadrian.

"Zaryl..."

"Hmm?" tanong niya. Uminom muna siya ng kape bago ako nilingon.

"I just want to inform you that I arranged a meeting." Sabi ko. Uminom ito ng kape tsaka tinignan ako na parang hinihintay ang susunod ng sasabihin ko.

"With Hades." Sabi ko kaya na-ibuga niya ang iniinom niya kaya napalayo ako. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag tawa ko.

"W-well, that's good then." Umismid pa ito kaya natawa ako.

"Really? Are you okay with that?" tanong ko. Nag kibit balikat ito.

"It's a good sign, you know. Matatapos mo na rin ang task mo sa wakas. Ewan ko lang kay Keidon..." kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman?"

"He's sensitive so be careful with your words." natatawa niyang sabi kaya nag buntong hininga na lang ako.

"Hindi mo na kailangan itago, alam ko na." mahinang sabi ko. Tinaasan niya naman ako nito ng kilay.

"The what?" sabi nito tsaka uminom. Umirap ako.

"Na may gusto sa akin si Keidon--"

Napatili na naman ako dahil na-ibuga niya na naman ang iniinom niya. Dahil sa inis ko, binatuhan ko siya ng tissue sa mukha kaya gulat naman ako nito tinignan.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon