Chapter 8

20.6K 907 261
                                    

"At ano pumasok sa mga isipan niyo para gumawa ng eksena sa gitna ng cafeteria?" Sermon sa amin ni Keidon napayuko na lang kami pareho.

"Hindi naman namin kasalanan ah! You should thank us noh, kung hindi dahil sa amin hindi natin siya makikita." Sabi ko.

"She has a point." Tango tango sabi ng lalaki na nasa shotgun seat. Tumaas ang kilay ko nang makita ang hindi pamilyar na mukha ng lalaki.

"And who are you?" Tanong ni Avianna.

"Oh pardon, I am Zaryl Encavez. In short, God of Sky, Thunder, and Lightning. I'm Zeus, ladies." Sabi niya. Napanganga kaming dalawa.

"No way!" Hindi makapaniwala na sabi ni Avianna.

"Yes naman! Another asshole in our group--aray!" Sinamaan ko ng tingin si Avianna. Ang sakit ng hampas niya!

"Oh for Pete's sake, take me away from these fools." Mahinang bulong ni Athaleigh kaya uminit ng ulo ko.

"Hoy anong fools?! Sa tingin mo ba kalokohan to? Para sabihin ko sayo totoo ito at buti ka pa nga wala gagawin eh ako? Kailangan ko pa paamuhin ang demonyo at isugal ang buhay ko sa hindi ko naman kilala!" Sigaw ko rito. Lahat sila napahinto habang naman si Athaleigh ay humarap lang sa bintana na tila wala narinig.

Bumuga ako ng hangin. Sumimangot na lang ako.

"A-are you really okay, Eisha?" Tanong na inosente ni Avianna.

"Ang sarap mo talaga lunurin alam mo ba yon?" Sabi naman ni Keidon. Sumilip pa saakin habang nag da-drive.

"Eh ikaw kaya sunugin ko sa underworld, Keidon?" Sabi ko dito. Natawa na lang ito.

"Look, Athaleigh we can explain later okay? For now can I call you Leigh? Masyado mahaba name mo." Sabi ni Avianna kay Athaleigh. Tinapunan ito ng tingin ni Athaleigh bago binalik ang tingin sa binata.

"H-hehehe sorry pala kanina ah? We can buy you another book if you want--"

"Just call me Leigh it's fine with me." Sabi ni Athaleigh habang nakatingin pa rin sa bintana. Parang may nakaramdam ako ng guilty kaya tumahimik nalang ako.

Nang makarating kami sa mansion ni Keidon nakita ko bigla ang matanda! Ano ginagawa niya dito?

"Are you okay?" Tanong bigla ni Zeryl. Bigla ako nahiya at tumango.

Tinignan ko ulit ang matanda pero bigla ito nawala! Ang weird talaga matanda na yon.

Dumeretso kami sa basement kung saam kami maaari tumambay. And since nagiging madalas na rin ang oag punta ko dito, nasasanay na rin ako gawin ang mga gusto ko dito.

Nakaramdam agad ako ng pagod kaya humilata ako sa sofa. Ang sarap sa pakiramdam ang lambot tila nawala ang pagod sa aking katawan.

Napatingin naman sila saakin. Nakita ko si Keidon na kumuha ng mga inumin sa ref at uminom muna bago tumingin saakin.

"This girl is feel at home in your mansion huh." Natatawang sabi ni Zaryl kay Keidon ngumiwi nalang ito. Binigyan ni Keidon si Zaryl ng beer kinuha naman ito ni Zaryl tsaka ininom.

"Hayaan mo siya, parang napagod sa pakikipag away kanina." Sabi ni Keidon kaya napangiti ako.

"So, aren't we supposed to discuss something?" Sabi naman ni Leigh.

So ayon nga inexplain na nilang lahat ang lahat na nangyayari. Wala na nagawa si Leigh kundi nakinig.

"Sa tingin ko nabubuo na kayo kulang na lang isa." Sabi naman ni Melissa na ngayon nakaharap sa loptop niya.

"Sino?" Tanong ni Leigh.

Lahat sila tumingin sa akin kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"So Persephone kailan mo balak hanapin at paamuhin si Hades mo?" Natatawang sabi ni Keidon.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon