Chapter 23

18.7K 706 305
                                    

Nakarating na kami sa lugar kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nag buntong hininga na lang ako na makita sina Keidon ay nakahilata sa buhangin samantalang si Zaryl ay natutulog na sa upuan.

Lalapit na sana ako para tulungan sina Athaleigh at Avianna sa pag bubuhat kay kina Keidon nang hatakin ako ni Hadrian.

"You're not going to help them." Hindi yun tanong kundi utos. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Dumilim ang mukha nito.

"Hindi kita tatay para pag sabihan kung ano gagawin ko, Hadrian. Kung akala mo makakalimutan ko ang pag-sisisi niyo sa mga kaibigan ko pwes, nagkakamali ka. Para sa kaalaman mo gagawin ko ang makakaya ko para iwasan ka." Mahabang sabi ko.

Natigilan siya sa aking sinabi. Umigting ang panga nito at galit na iniwas ang tingin.

Kahit ako ay nagulat sa aking sinabi pero wala na ako pakialam. I need more time to think. Nahuhulog na ako sa sarili kong patibong. Ang goal ko dito ay makuha ang loob niya.

Sa ganoong paraan, magiging kampante ako na papanig siya saamin at hindi magiging kalaban. Inaamin ko na malakas siya para maging kalaban kaya gagawin ko na ang lahat para makuha ang loob niya.

Kahit ang pag sabi sa kaniya ng nararamdaman ko. Wala talaga ako intensyon sa una pa lang, akala ko magagamit ko ito bilang excuse pero hindi ko inaasahan na mahuhulog talaga siya.

Maybe it's a good sign? Makakamit ko na ang matagal ko na hinihintay na pagkakataon. Ngayon, gusto ko isantabi muna ang sarili kong nararamdaman. At unahin ang task ko.

"I think I misheard something, Persephone..." Seryosong sabi niya tsaka lumapit saakin. Nilabanan ko ang matalim niyang titig.

"You know how powerful I am. There's no way in hell you could escape from me, remember that." Mariin na sabi niya kaya umiwas ako ng tingin.

"And besides, you're my girlfriend now." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay.

"W-what?! Teka lang-- hindi natuloy ang pag tatalik natin kanina! At hindi ka rin pumayag na papanig ka saamin dahil doon so--"

"Who told you?" Natigilan ako dahil sa tanong niya. Ngumisi ito. Kumunot ang noo ko nang itaas niya ang baba ko. Sa sobrang lapit ng mukha niya parang naduduling na ako.

"Even though we didn't do it, you still agreed to be my lover. It means you have to accept it and act like one." Sabi niya kaya nahulog ang panga ko.

"Hindi mo ako maloloko. Hindi mo ako makukuha hanggang hindi mo tinutupad ang kapalit non." Mariin na sabi ko.

"Then fine, introduce me to your fucking friends tomorrow." Sabi nito. Napangisi ako at tinignan siya ng matalim.

"Wala sa deal natin ang introduce na sinasabi mo, Hadrian..." Ngising sabi ko kaya nag buntong hininga ito.

"Fine fine, you win. Wait for us tomorrow." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"S-sigurado na iyan ah? At Hadrian, pa-favor. Wag ka feeling close saakin bukas dahil hindi nila alam na nakikipag kita ako sayo." Nakangiti kong sabi. Hindi na ako makapag hintay para bukas, sa wakas ay nakuha ko na ang loob niya.

Napahinto ito tsaka tumaas ang gilid ng labi.

"What a naughty girl, you haven't told them about us? Tsk tsk..." Pang aasar niya kaya nag init ang pisngi ko.

"Why? Is that even necessary?" Tanong ko. Natawa naman ito ng mahina. Sumeryoso ito tsaka nilapit ang mukha saakin.

"There's nothing you can hide anymore, babe. I'm your boyfriend now, so you need to introduce me tomorrow as your boyfriend." seryoso niyang sabo.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon