Chapter 52

14.1K 616 137
                                    

"Ito na ba ang sinasabi mo na halimaw pagdating sa labanan? Pero bakit parang sa baril ko pa lang ay bagsak na sila?" Nagyayabang na sabi ni Rolando.

"Arketá, Rolando. May aasikasuhin pa ako." Sabi ni Medusa. Bumalik ulit siya sa dating anyo.

Parang gusto ko sumabog nang makita ko na ginamit niya ulit ang katawan at mukha ni Melissa. Sumisikip ang dibdib ko kapag nakikita ko iyon, naalala ko lang ang pagsasama namin dalawa. Peke lang pala ang lahat.

"Ibaba niyo ang baril niyo kung ayaw niyo matikmam ang sarili niyong dugo." Galit na sabi ng isang pulis.

Nagulat ko na ibaba ni Zaryl ang baril. Tinignan namin siya na may pagtataka.

"Zaryl?" Nalilitong bulong ni Avianna.

"Just follow him." He ordered. Tumango na lang kami at nagbuntong hininga.

Binaba namin ang baril namin kaya ngumisi silang lahat. Bumagsak ang balikat ko. This is it, we can't fight back anymore.

"Siguraduhin niyong naka-posas ang mga iyan. Kapag tumakas, turukan niyo." Utos ni Rolando.

Napatingin sa akin si Rolando at kumindat kaya napasuka ako kunwari, mabuti na lang ay hindi niya nakita. That old man is so disgusting!

Magpasalamat ka na wala si Hadrian dito kundi kinuhanan ka na ng mata 'non.

Nanlulumo ko pinanood kung paano nila i-posas si Zaryl. Kumunot ang noo ko nang pilit na isinisiksik ng lalaki ang katawan nito sa likod ni Avianna. Nahalataan ni Avianna iyon kaya lumayo ito kaunti, pero lalo pa nilapit ng lalaki ang balakang nito sa pwetan ni Avianna.

"Gago! Lumayo ka kay Avianna!" Sigaw ko. Susugod sana ako pero nahuli na ng dalawang lalaki ang pareho kong kamay.

"Ano meron?" Seryosong tanong ni Keidon.

"Iyong lalaki, pilit na nilalapit ang ari sa pwetan ni Avianna--"

Bago pa ako makatapos sa pagsasalita ay sinira na ni Keidon ang posas niya at binigyan ng sapak ang lalaki.

"Keidon!" Sinubukan lapitan ni Avianna si Keidon pero hinila lang siya ni Leigh.

"Let him," bakas din ang galit sa mukha ni Leigh.

"A-argh!" Duguan na ang lalaki pero patuloy pa rin sa pagsasapak si Keidon.

"Tama na, Keidon." Saway ko pero hindi ito nakinig.

"Papatayin kita!" Kitang kita na ang ugat sa lalamunan ni Keidon dahil sa galit. Napalunok kaming lahat.

Kinabahan ako nang tinutok ni Rolando ang baril niya kay Keidon. Kakalabitin niya ang trigger kaya kumilos agad ako. Kahit naka-posas kinuha ko ang baril ko at tinutukan rin ng baril si Rolando.

"Ate..." Kinakabahan na tawag sa akin ni Aideen na ngayon hawak hawak ni Zaryl. Napatigil naman si Keidon sa ginagawa, at hinihingal ako tinignan.

Hindi pa din binababa ni Rolando ang baril.

"Subukan mo barilin siya, sasabog ang ulo mo." Banta ko kay Rolando.

Wala ako pakialam sa mga baril na nakatutok sa akin ngayon. Hindi talaga ako magdadalawang isip na putukin ang baril ko kapag may tumamang bala kay Keidon o isa sa mga kaibigan ko.

"Matapang ka, gagawin mo ang lahat para hindi masaktan ang mga kaibigan mo. Pwes, ikaw na lang ang papatayin ko." Sa akin naman tinutok ang baril.

"Ate!" Umiiyak na si Aideen habang pinapanood kami. Kinuyom ko ang kamao ako.

Hindi ako nagpatinag o natakot sa ginawa niya. Mas gugustuhin ko na ako na lang ang barilin.

Seryoso ako tinignan ni Zaryl. Hindi nila ako pinigilan o ano. Napangiti ako dahil doon. It means they trusts me.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon