Chapter 19

17.9K 826 280
                                    

KASALUKUYAN kami naririto sa harapan ng karagatan. Nag suot lang ako ng loose mint shirt at maong shorts. Nakangiti ako habang  pinapanood sila na lumalangoy.

Pinilit pa ako ni Avianna sa pagpapalit ng suot ko sa two piece niya. Hindi daw siya magsi-swimming hanggang hindi ako pumapayag kaya hindi ko nakayanan ang pag kukulit niya at sinabi ko na mamayang gabi na lang ako lalangoy.

Kaya ayon, masaya siyang lumalangoy kasama sina Leigh at Keidon. Si Zaryl ay nasa aking tabi, nag babasa ng libro.

"You don't want to swim?" Tanong bigla ni Zaryl. Sinarado niya ang libro na hawak niya. Nakasuot ito ng shades kaya nakakabilib na nakakabasa pa rin ito ng libro.

"Mamayang gabi na, ayoko ng maraming tao. Tsaka mas nakaka-relax kapag gabi." Nakangiti ko sabi. Ngumiti naman ito ng tipid bago tinignan rin ang tatlo.

"How's your plan?" Tanong niya kaya natigilan ako. Napalingon ako sa kaniya.

"P-plan?"

"Yeah, Taming Hades?" Kumabog ang dibdib ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya kaya tumaas ang gilid ng labi niya.

"S-still thinking about it." Sabi ko. Thinking? Halos araw-araw na kami nagkikita! Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa kaba.

"It's not that I want to rush you but Hades is getting stronger and I know that you know that. I want to help you but I might put others in danger." Sabi niya kaya napayuko ako.

Ako lang talaga dapat ang magtapos sa task ko na ito. Maaari sila mapahamak kung sakali pumalpak ako at tumulong sila saakin.

"I know you can do it. You're a strong woman." Sabi ni Zaryl tsaka tinapik ang balikat ko. Tumango ako.

Tumayo ito mula sa kinauupuan niya. Nagulat ako na inalis niya isa isa ang butones niya. Hinagis niya ang damit niya sa upuan bago nakangisi ako tinignan.

"I bet the water is cold right now. My body is kinda' hot." He said while smirking. I rolled my eyes.

Pareho lang talaga siya ng kaibigan niya.

Pinanood ko siya tumakbo papunta kina Keidon. Natatawang pinatalsik ni Avianna ang tubig sa mukha niya kaya napaiwas si Zaryl. Si Keidon naman ay inakbayan ito para lunurin.

Napailing na lang ako.

Tumayo ako para mag libot kaunti sa resort. Sana nga lang hindi ako maligaw sa laki nito.

Bumili ako ng mango milkshake dahil sa pagka-uhaw. Nagtataka ako tumingin sa mga staff ng resort na natataranta ngayon. Parang nag tatakbuhan sila sa bawat pwesto nila at inaayos ang mga kalat sa pagilid.

May parating ba celebrity or what?

Nag kibit balikat na lang ako. Kinuha ko na ang milkshake ko para umalis pero napahinto ako nang masalubong ko ang pamilyar na mga mata sa aking harapan.

Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Parang huminto rin sa pag tibok ang puso ko dahil sa nakita ko.

Tumaas ang gilid ng labi niya habang tinitignan ako mula sa kalayuan.

It's Hadrian...

He is with a girl. Hawak hawak niya ito sa bewang habang tukso ako tinitignan.

Ano ginagawa niya dito?!

Tumalikod ako para ubusin ang milkshake ko. Nang maubos nito dali dali ko ito iniwan sa kung saan para makatakas.

Paano niya nalaman na naririto kami? Ako ba ang sinsundan niya?

Humarap na ako para makatakas ng palihim nang may nabunggo ako isang matipunong dibdib. Napatingala ako para tignan kung sino ito.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita siya mismo sa harapan ko!

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon