Chapter 18

18.6K 804 212
                                    

A/N: Hi guys! Kung may mga twitter kayo, you can follow me for any updates. Para kahit sa simpleng paraan ay makilala ko naman kayo. ( ˘ ³˘)❤

My twitter acc: yeshrheyy

I dedicate this chapter to those who followed me on twitter. I'll remember you guys! Thank you very much! Love you all. ❤

EISHA'S POV

Kasama ko sina Leigh at Avianna sa pag aayos ng mga damit para malagay sa bag ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano nila na-kumbinsi sina mama at papa.

Tinignan ko sina Keidon at Zaryl na kinakausap ang magulang ko na nagtatawanan. Kumunot ang noo ko bigla.

Ang bilis naman ata gumaan ng loob nila mama kay nina Keidon? Samantala sa dati kong mga kaibigan kulang na lang ay palayasin nila ito sa aming bahay.

"Mukhang nag e-enjoy sila ah..." Sabi ni Avianna. Napangiwi na lang ako.

Pagakatapos namin sa pag aayos, nag palit lang ako ng damit. Isang puting semi crop top at jeans ang pinili ko.

"Akina," sabi ni Keidon tsaka binuhat ang mga bags ko. Ngumisi na lang ako.

"Oh siya, kayo na bahala sa anak ko ah! Huwag niyo hahayaan pumunta sa malalim iyan, doon ba naman ang hilig niya puntahan." Sabi ni mama kaya napaismangot ako.

"Ma naman..." natawa na lang si Keidon at Avianna kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Kapag hindi niyo inuwi iyang anak ko... Makikita niyo." Banta pa ni papa kaya napalunok silang lahat kaya natawa ako.

"Mauna na kami ma, pa." Sabi ko tsaka kinaway ang kamay ko.

"Goodbye po Mr. And Ms. Salvanes." Nakangiti paalam ni Avianna kaya ngumiti ng matamis si mama sa kaniya.

"Naku, Tita na lang. Kaibigan naman kayo ng anak ko." Sabi ni mama kaya ngumiti silang lahat.

"Sure, mommy--"

"Keidon!"

Napailing na lang ako sa bangayan ulit nilang dalawa ni Keidon.

"Char lang," sabi ni Keidon at humalakhak ng malakas.

"Sige, kapag hindi ka tumupad sa usapan kakainin mo iyang char mo." Banta ni papa kaya napahinto si Keidon kaya kami naman ng natawa.

"Sige po, mauuna na kami. Salamat po ulit sa pag papayag niyo na makasama si Eisha sa outing namin." Sabi ni Zaryl.

"Wala iyon, iho! Minsan lang rin mag gala ang isang iyan dahil tamad rin lumabas sa kwarto niya." Sabi ni mama. Sinundan pa ito ng tawa kaya napanguso ako.

"Tamad pala ah." pang aasar pa ni Keidon kaya inumbaan ko siya ng suntok kaya natatawa siyang tumakbo palayo.

Pagkatapos namin mag paalam sa mga magulang ko, dumeretso na kami sa likod ng sasakyan.

"Kaninong sasakyan ito?" Tanong ko tsaka pumasok sa loob.

"Zaryl's." Maiksing sabi ni Leigh kaya tumango tango na lang ako.

Naging biglaan ang pag alis namin kaya nag tataka na ako kung sino ang ipapakilala sa amin ni Keidon.

"Nakapag paalam na rin ba kayo sa mga magulang niyo?" Tanong ko kina Avianna. Ngumiti ito sa akin.

"Yup, si Keidon ang nag paalam para sa akin. Kilala naman siya ni Grandma kaya pinayagan agad ako." Sabi ni Avianna kaya bigla ako napangisi.

Nakita ni Keidon ang ngisi ko mula sa front mirror kaya sinamaan niya agad ako ng tingin.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon