Chapter 49

15.9K 593 339
                                    

"Okay ka lang ba dito? Bawal ka kasi doon, mag-uusap usap ang mga matatanda." Paliwanag ni Avianna sa bata.

Seryoso at kalmado ang lahat. Ngayon namin pag-uusapan ang mga plano namin. Delikado ang mga kalaban namin, lalo na ay maaari nilang saktan ang mga taong nasa paligid namin.

"W-wala ako kasama?" Kinakabahan na tanong ni Aideen.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Our discussion may trigger her trauma, at iyon ang iniiwasan namin.

"Meron naman, mga multo nga lang." Sinamaan ko agad ng tingin si Keidon na nakatayo sa aking gilid, umiinom ng beer.

Mas lalo nanginig sa takot si Aideen. Agad siya pinakalma ni Avianna.

"Could you stop being childish towards her?" Naiinis na sabi ni Leigh. Tumango tango naman ako na parang bata.

Kumunot ang noo ni Keidon at tinuro pa ang bata!

"Sinunog niya ang kurtina ko! Pati ang mga mamahalin kong carpet! Wala naman problema kung kayo magsasalo ng kamao ng tatay ko pero hindi!" Singhal ni Keidon.

Napa-face palm kami.

"Is he drunk?" Singit ni Artemis.

"Oh don't worry, that's his normal state." Ngiting sabi ni Zaryl. Napailing na lang ako.

"Ang tagal naman ni Hades?" Reklamo ni Delian habang nakahilata sa sofa.

Napaisip rin ako. Ang sabi niya ay may kakausapin lang siya sa telepono. Pero bakit ang tagal naman ata?

"M-maliligaw ako ate..." Bulong niya pa pero rinig naman namin.

"Bawal ka nga ang kulit mo ah---"

"Let her join, she's part of us." Natigilan ang lahat sa biglang pagsulpot ni Hadrian.

Nakapamulsa ito habang naglalakad patungo sa single sofa. Nanliit naman ang mga mata ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. The side of his lips rose, forming a sarcastic smirk on his face. He lend his hand to me but I just stared at it.

"Ano 'yan?" Bulong ko.

Bago ko pa namalayan ay mabilis niya na ako nahila palapit sa kaniya. Nag-init ang mukha ko nang ma-upo ako sa kandungan niya habang ang kaniyang ang mga braso niya ay nakapulupot sa aking bewang.

"Don't give me that stare, babe. You're giving me a heart attack." Bulong niya sa aking tenga. Tumaas naman ang balahibo ko.

Siniko ko siya bilang senyales tumahimik na siya. Sinubukan ko umalis sa kandungan niya pero mas lalo humigpit ang hawak niya. Nagbuntong hininga na lang ako.

Nahiya ako nang pinagmasadan kami ng bata! Mangha na mangha pa, akala mo ay ngayon lang nakakita ng couple.

"Let's start." Sumeryoso ang lahat sa sinabi ni Zaryl. Tumango kami lahat.

Ang lahat ng tungkol kay Rolando ay pinagusapan namin. You have to know your enemy's weakness spot so you can use it as weapon against them.

Magiging maduguang labanan ito. Alam namin lahat na may maaaring mawala sa grupo namin dahil sa gulong 'to. Tinignan ko ang mga kasama namin na seryoso nakikinig.

Kahit anong pilit nila itago, nababasa ko rin ang kaba at balisa nila sa mangyayari. Hindi magiging simple ang gagawin namin, kailangan namin maituwid nang maayos ang plano bago tuluyan mabunyag ang sikreto namin sa lahat.

Dahil kapag nangyari iyon, baka hindi kami mamamatay sa mga kamay ni Medusa at Rolando, kundi sa mga kamay ng mga Olympians.

Hindi sila magdadalawang isip kitilan kami ng buhay kapag nangyari iyon.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon