Chapter 14

18.9K 908 740
                                    

Napahinto ang mga lalaki na naka itim. Tumingin sila kay Hades na tila may sinasabi ito sa pamagitan ng mga mata.

Kahit walang emosyon ang mukha ni Hades, kita sa mga mata niya ang gulat dahil sa aking sinabi.

"What?" inis na sabi ni Hades sa mga lalaki kaya napangisi ako. Yumuko ang mga itim na lalaki sa kaniya bago nawala sa aming paningin na nag iwan ng itim na usok.

Napa awang ang bibig ko dahil doon. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa mga nilalang na iyon. Hindi sila galing dito sa mundong ibabaw, kundi sa tunay na mundo ni Hades.

Ang Underworld.

"Takbo na Dony!" natauhan ako dahil sa sigaw ng isa sa mga kasama ni Dony. Tumatakbo na ang mga kasama ni Dony, habang siya ay nakatitig sa akin. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang nakita.

"I must tell this to others." mahinang sabi niya kaya natigilan ako. Mag sasalita na sana ako nang tuluyan na siya tumakbo papalayo.

Napapikit ako dahil sa iritasyon. Tiyak na totohanin niya ang mga sinabi niya. Nanlumo ako dahil wala ako maisip na pwede gawin para pigilan siya.

Nakapamulsa na naglalakad palapit saakin si Hades. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumaas ang gilid ng labi niya kaya mas lalo ako nainis.

"Hmm, look at those glowing eyes. Queen of the Underworld huh?" pang aasar na sabi niya kaya namula ako sa galit.

"This is all your fault. I can handle myself." matapang na sabi ko.

Nawala ang ngisi sa kaniyang labi.

"My fault? You should thank me for saving your life." sabi niya kaya natawa ako ng sarkastiko.

"Are you kidding me? Aren't you planning to kill me?" I told him.

Napahinto ito pero bumalik ang ngisi sa kaniyang labi. Lumapit siya saakin kaya napaatras ako.

"I believe that you don't wanna die here. Why don't you come over to my house?" he said while smirking. I clenched my fist.

Ako? Pupunta sa bahay niya? In his dreams! Ano ba ang binabalak niya at gusto niya pa ako papuntahin sa bahay niya para patayin ako?

"That's it. I'm done with your shit." sabi ko. Tatalikuran ko na sana siya nang hatakin niya ang wrist ko pabalik sa kaniya. Dahil sa lakas ng hatak niya napasandal ang kamay ko sa kaniyang dibdib.

Nanlaki ang mga mata ko. Tumingala ako sa kaniya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Or perhaps I should take you there by force, what do you think?" bulong niya kaya tumaas ang balahibo ko.

"If you want to kill me, then do it! Pero huwag kang umasa na hindi ako lalaban. I will never let you take this power away from me." madiin na sabi ko kaa umigting ang panga niya.

"Your power is useless compare to mine. I'm giving you a chance to live, why do you keep resisting?" naiinis na sabi niya.

'It's either you tame him or kill him.'

Napahinto ako dahil naalala ko ang mga sinabi ni Melissa.

"Bakit mo ginagawa ito?" mahinang tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"The what? I'm showing a little mercy here." natatawa niya pang sabi.

"Killing me was not part of your plan, am I right?" tanong ko kaya natigilan siya.

"What made you think that?" seryoso niyang sabi. Ngumisi ako. Mas nilapit ko ang katawan ko sa kaniya at hinila ang collar ng polo niya para tuksuhin siya.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon