Chapter 13

19.1K 975 500
                                    

"Ate, si kuya nag text sa akin." Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ko. Inayos ko ang pag tutupi ko sa damit bago siya hinarap.

"Ano sabi niya?" Tanong ko.

"Maghintay lang daw tayo, babalik daw siya." Sabi niya. Tumawa ako ng sarkastiko.

Tatlo kami magkakapatid, si kuya Gael ang pinaka matanda sa amin. Naglayas siya dahil hindi niya nakayanan ang pag aaway ng magulang namin kaya ako ang nag-ako ng responsibilidad dito sa bahay.

Pero alam ko na bukod doon ay may tinatago siya. Matibay siya at matapang pag dating sa pamilya namin kaya hindi ako naniniwala dahil sa pag aaway lang ng magulang namin ang tanging dahilan kung bakit siya nag layas.

May times na nagtatampo at nagagalit ako sa kaniya, pinili niya mag layas kaysa harapin namin sabay ang problema namin. Mahirap ang maging panganay sa pamilya pero kinakayanan ko para makaayos ang pamilya namin.

Simula nung lumayas siya, todo ang hirap na dinanas namin ni mama. Si Patricia ay bata pa lamang nang lumayas si Kuya Gael pero laki na ng galit niya kay Kuya nang malaman niya na iniwan kami nito. Kahit si papa ay mag isa lang nagta-trabaho para itaguyod ang pamilya namin.

"Hayaan mo siya. Gawin niya ang gusto niyang gawin." Tanging sabi ko kaya napatahimik si Patricia.

Second name ko ay Gail, galing ang pangalan na iyon kay Kuya Gael. Sabi ni mama excited na excited daw si kuya nang malaman niya may babae na magiging anak si mama kaya dali dali siya gumawa ng pangalan.

Ayoko tinatawag akong Gail dahil naalala ko lang siya.

"Anak, pasensya na kayo ah..." Pareho kami napalingon kay mama.

"Bakit ma? Ayos lang ba kayo?" Tanong ko. Ngumiti lang siya ng malungkot saakin at hinaplos ang buhok naming dalawa ni Patricia.

"Pasensya na kung nahihirapan kayo dahil sa pag aaway namin ng ama mo." Sabi niya kaya tumulo ang luha ni Patricia. Nag buntong hininga ako.

"Huwag kami ang alalahanin mo ma, ayos lang kami." Sabi ko kaya ngumiti ito at niyakap kami pareho.

Mahal namin ang magulang namin kahit ganito ang sitwasyon namin. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kapag dumating ang araw na mag watak watak kami.

Pagkatapos ng eksena na iyon, nag paalam ako sa magulang ko na may pupuntahan ako kasama ng mga kaibigan ko.

Balak namin pumunta sa isang lumang park para doon i-praktis ang kapangyarihan namin. Natatakot ako baka hindi ko ito ma-kontrol.

Nanlamig ang kamay ko dahil sa malakas na hangin. Tinignan ko ang madilim na ulap, mukhang uulan pa ata.

Gusto ko iligtas si Lolo Franz mula sa mga kamay ni Hades, pero hindi ko alam kung handa na ba ako. Natatakot ako baka madamay ang ibang tao sa paligid ko kapag hindi ako sumuko kay Hades.

"Sigurado ako na may tinatago sila." Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang pamilyar na boses.

Caleb?

Ang mga kaibigan kong lalaki ay nandito kaya tinago ko ang sarili ko sa pader. Nakita ko kasama niya sina Arvin at Lander.

"Hindi pa na ito tapos? Kailangan ko pa puntahan si Niela." Yamot na sabi ni Lander habang nakasandal sa pader.

"Ewan ko dito kay Caleb, pasimumo talaga." Sabi naman ni Arvin.

Hinawakan ko ang dibdib ko at habol ang hininga. Ano ginagawa nila dito?

"Pare, rinig ko na dito pupunta ang mga tarantadong iyon. Alam ko na may tinatago sila kaya aalamin natin iyon." Sabi ni Caleb sabay apak sa kaniyang sigarilyo.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon