Chapter 54

14.5K 583 305
                                    

EISHA'S POV

"Hestia!"

"Kuya!"

Napangiti kami lahat nang sugurin ng yakap ni Hestia ang kuya Dionysus nito. Nanggilid pa ang mga luha nito.

"Yie, ikaw ah... Kasama mo na yung crush mo na si Hades--"

"K-kuya!" Pinutol agad ni Hestia si Dionysus. Natawa ang lahat doon lalo na si Dionysus.

Napalingon naman ako kay Hadrian, tumaas lang ang gilid ng labi nito habang nakapamulsa. Nahalataan niya agad ang mga titig ko kaya tinignan ako nito nang malalim. Iniwas ko agad ang tingin ko kaya narinig ko siya tumawa.

Pati bata nagkakagusto na sa kaniya. His visual is really not a joke.

"Bakit ba?! Ikaw bata ka gumaganyan ka na ah..." Pangaasar pa ni Dionysus. Napailing na lang ako.

Pulang pula na ang mukha ni Hestia parang iiyak na ito dahil sa hiya. Nahihiya siya tumingin sa akin at kay Hadrian. Napangiti na lang ako dahil doon.

"Ano nagustuhan mo kay kuya Hades?" Nagulat lahat sila sa tanong ko.

Lumuhod ako kaunti kay Hestia para mapantayan ko siya. Nagtatago ito sa hita ng kuya Dionysus kaya natawa ako.

"Hoy, tinatanong ka ni miss ganda aba!" Pananakot pa ni Dionysus.

"A-ano..." Nahihiya pa ito kaya ngumiti ako.

"Hmm?"

"Nagseselos ka lang ata kaya pinagtitripan mo!" Napairap ako sa pagiging epal ni Keidon.

"S-si Hades po kasi, he sticks and loyal to Persephone kahit nakakatakot po siya sa iba... Hindi po siya tulad nila Zeus at Poseidon. They did bad things po..." Biglang nagsalita si Hestia. Nakayukong ito tila nahihiya pa.

Lahat kami natigilan sa sinabi niya. Maging si Dionysus ay bigla kinabahan ang itsura.

So she was basing on history?

"Told you," ngising na nagyayabang na sabi ni Hadrian sa kanilang lahat!

Namutla bigla ang mga mukha ng dalawa. Lalo na si Keidon.

"Oo, tama! Hindi nagsisinungaling ang mga bata, mga bugok! Zeus cheated on Hera for multiple times meanwhile Poseidon..." Naglolokong tinapat ni Delian ang mukha nito kay Keidon na ngayon maputla.

"You raped Medusa that's why she's having a revenge now!" Malakas na sigaw ni Delian sa mukha ni Keidon.

"H-hoy! Gago! Hindi ako gumawa 'non! Si Poseidon sisihin niyo hindi ako!" Parang bata namamaktol ni Keidon.

"Eh ikaw si Poseidon diba?" Nagtatakang sabi ni Dionysus kaya natawa ako lalo.

"Sira ulo ka ba?! Mas gwapo ako don pero hindi ako rapist!"

Tulad ng inaasahan ko hindi na napigilan ni Avianna ang galit nito at malakas niya binatukan si Keidon.

"Bunganga mo, Keidon. May bata ano ba..." Gusto ko na lang matawa dahil kahit nagagalit na si Avianna mahinhin pa rin ang boses nito.

Habang sila ay nagtatalo, nakuha ng atensyon ko si Hadrian na bigla binuhat si Aideen. Nanlaki ang mga mata nito. Kahit hindi ito nagsasalita, humihingi ito ng tulong kay Dionysus gamit ng mga mata niya.

"Awit, kinikilig..." Pang-aasar ni Dionysus.

"Hey kiddo' listen..." Napalunok ng mariin si Aideen at mabilis na tumango kay Hadrian.

"They may have the power of Zeus and Poseidon, but they're still different people. They're not responsible for the sins of their Gods. Understand?" Mahinang sabi ni Hadrian sa bata.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon