Chapter 31

18K 688 407
                                    

Pagbaba namin ng sasakyan hindi ko inaasahan na may magte-text saakin bigla. Kinuha ko ang cellphone ko habang nag lalakad.

Natigilan ako nang mabasa ang pangalan ni Hadrian sa screen.

From: Hadrian the Great

Mind to tell me why you're with Encavez, hmm?

Pinag lalaruan ko ang aking labi nang mabasa iyon. Sabi na nga ba, hindi niya papalampasin iyon.

To: Hadrian the Great

Why are you asking?

Nakangisi ako habang tinetext iyon. Nang mai-sent iyon ay sumunod na ako kay Zaryl sa loob ng mansion ni Keidon.

Tinignan ko si Zaryl na pinag lalaruan ang susi ng sasakyan niya habang naglalakad sa aking harapan. Kinuha ko ang cellphone ko at saktong sakto ay nag text ulit si Hadrian.

From: Hadrian the Great

Want me to come over, Persephone? I'm trying my best to control my anger right now.

Napalunok ako dahil sa kaniyang text. Hindi naman mabiro ang isang 'to. Mainitin ang ulo, psh. Nakangiti ako nag tetext pabalik.

To: Hadrian the Great

May pag uusapan lang kami. Galit na galit? Tsk, wag ka na mag text busy ako.

Pagkatapos iyon ay dumeretso na ako sa basement. Nagulat ako nang may bumato saakin ng unan. Sinamaan ko ng tingin si Keidon na nakaupo ngayon sa high chair.

Sa inis ko ay kinuha ko ang sapatos sa aking gilid saka binato iyon. Nanlaki ang mga mata niya at umiwas agad. Natatawang pumunta si Zaryl sa ref para uminom.

"Anong trip mo na naman?" inis kong sabi kay Keidon. Nilagay ko yung sling bag ko sa sofa. Nagulat ako nang akbayan ako nito.

"Trip kita, babe. Gusto mo bang kiligin?" nakangisi niyang sabi. Sa inis ko, siniko ko siya kaya napaatras siya saka napangiwi.

"Tigilan mo ako Keidon! Badtrip na ako kay Zaryl baka gusto mo isama kita sa galit ko?!" sabi ko kaya tumawa ito ng malakas.

Napailing na lang ako.

"Oh tama na iyan, love birds. May pag uusapan pa tayo." sabi ni Leigh at ngumiwi.

Love birds?

Nagtinginan kami ni Keidon dahil sa sinabi niya. Ngumisi ito kaya mabilis ko ang iniwas ang aking tingin.

Ngayon ko lang napansin ang dalawa. Naka busangot ang mukha ni Avianna habang nakaupo sa sofa at nag cecellphone. Nakataas pa ang paa nito kaya natawa ako.

Si Leigh naman ay as usual may hawak na libro. Nakasuot ito ng salamin, first time ko lang siya makita na nakasuot ng ganon. Nakalugay pa ang buhok nito kaya umaapaw ang ganda nito ngayon.

"Where's Melissa?" tanong ko.

"I'm here!" nakita ko si Melissa na naka jacket at headband na bunny kaya natawa ako. Ang cute niya tignan.

"Ngayon kumpleto na tayo, sisimulan na natin ang meeting." seryosong sabi ni Zaryl. Nag tinginan kami kaya napalunok ako at tumango.

This is it.

"Yeah yeah, just hurry up. I have to meet my friends later." sabi ni Avianna kaya napatingin kami lahat sa kaniya.

Natigilan si Keidon sa sinabi nito. Unting unti binaba niya ang inumin niya saka masamang tinignan si Avianna na ngayon nakahiga lang sa sofa.

"Friends? Or boys?" mariin na sabi ni Keidon.

Binaba ni Avianna ang cellphone niya. Nagtataka niyang tinignan si Keidon. Tinaasan niya pa ito ng kilay.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon