Chapter 28 part 2

78.8K 1.7K 63
                                    

Chapter 28 part 2

Talagang hindi pumayag si Vincent na hindi makasalo sa pananghalian si Jesica. Laking pasasalamat niya ng hindi na ito nagprotesta ng ihinto niya ang kotse sa isang mamahaling restaurant. 

"I hope it's okay with you." nagsusumamo ang tinig ni Vincent. Napansin kasi niyang kahit isang salita ay walang namutawi sa bibig ni Jesica.

"Do I  have a choice? nandito na tayo." walang kagana ganang tugon ni Jesica at nauna na siyang bumaba ng sasakyan. 

Napapailing na lamang si Vincent habang habol nagmamadaling sumunod sa dalaga. Hindi na niya alam ang gagawin kung paano niya mapapaamo ito. 

Pagkaupong pagkaupo ay hinarap na agad ni Jesica si Vincent. Habang nasa biyahe sila ay tinimbang na niya ang sitwasyon nila at nakapagdesisyon na siya, na alam niyang ikatutuwa ng kanyang anak.  "Alam ko na kontrolado ang sitwasyon." simula ni Jesica.

"Let's order first." putol ni Vincent sa sasabihin niya. Tamang tama naman ang lapit ng waiter sabay abot ng menu sa kanila. 

Napabuntong hininga na lamang si Jesica kahit kailan talaga ay kayang kaya ni Vincent na ubusin ang pasensiya niya. Kung wala lamang ang waiter sa harap nila ay baka nairapan na niya ito. Hinayaan na lamang niya na ang binata ang mag order para sa kanya, wala rin naman siyang ganang kumain. Ang gusto niya ng mga sandaling yun ay makalayo na sa lalaking ito. 

"Siguraduhin mo na masarap ang mga pagkain ninyo dito, kasama ko ang isa sa pinakamagaling na chef ." pagbibiro ni Vincent sa waiter at isa pa ay gusto niyang pagaanin ang sitwasyon nila ng mga sandaling yun. 

"Naku sir, hindi po kayo mapapahiya kay ma'am." pagbibigay assurance ng waiter bago tumalikod ito. 

Mahabang katahimikan na naman ang namagitan sa kanila. Ayaw ni Jesica na siya ang magsimula ng usapan dahil sa kabang bumabalot sa buo niyang pakatao ng mga oras na yun. 

"Jesica, I want you to relax. Hindi kita dinala dito para awayin ka, I just wat to have lunch with you." sabi ni Vincent habang mataman niyang tinititigan ang dalaga. Napansin na rin niya mukhang kinakabahan ang kaharap. 

"Vincent, hindi ako marerelax dito. Im scared that any monent someone will slap me dahil alam ng lahat ang tungkol sa inyo ni Mia." palusot ni Jesica sa totoong nararamdaman. 

"Do you think I will let them to hurt you? Hangga't kasama mo ako walang pwedeng makasakit sayo." 

Napaismid si Jesica ng marinig ang sinabi ni Vincent. "Yes, you're right. Ikaw lang ang naman ang may kakayahang manakit sa akin." 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon