Chapter 15 part 2

79.9K 1.6K 31
                                    

Chapter 15 part 2

“Hi dad.” Sinalubong ni Jesica ang ama na papalapit sa kanya at binigyan ito ng halik sa pisngi.

 

“How are you sweetheart?” malambing na tanong ni Alejandro sa anak. Ngayon niya napagtanto ang pagkukulang niya sa anak ng makaharap ito. Dama niya rin ang malamig na pakikitungo nito sa kanya.

“I’m fine, we’re fine.”  Walang kabuhay buhay na tugon ni Jesica sa ama.

Umupo si Alejandro sa tabi ng anak at iginala niya ang paningin sa paligid, bigla niyang naalala ang masasayang araw nila ng pamilya. Kaninang papasok na siya sa maluwag nilang bakuran ay may kakaibang damdamin siyang naramdaman.

Napansin ni Jesica ang pananahimik ng kanyang daddy. Dati ay daddy’s girl siya ito ang lagi niyang kakampi sa lahat ng mga kalokohan niya kaya ngunit ngayon ay tila may mataas na pader ang nakapagitan sa kanila. Habang tahimik nakaupo ang kanyang ama ay hindi naman sinayang ni Jesica ang pagkakataon, matagal niya itong pinagmasdan dahil baka matatagalan pang maulit ang pagkikita nila.

“Mama! Mama!” tumatakbong pawisan si Venice sabay kawit ng mga kamay nito sa leeg niya.

 

“Hey, what’s wrong?” sabay yakap niya dito.

“I saw worms and yaya told me it will bite me.” Pabulol na sumbong ni Venice.

 

“Ma’am kasi po gusto niyang hawakan kaya sinabi ko na kakagatin siya.” Paliwanag ng ni Nelia habang nakayukong nagsasalita.

 

“It’s okay Nelia, sige magpahinga ka na ako na muna ang bahala dito kay Venice.”  Nakangiting tugon ni Jesica habang pinupunasan ang pawis ng anak.

Nakatitig si Alejandro sa batang nasa kandungan ng kanyang anak. Pagkakita niya pa lamang dito ay may katuwaan na siyang naramdaman, naalala niya si Jesica noong bata pa ito. “What’s the name of this cute little girl?” niyuko pa niya ang bata para magpantay ang paningin nila.  

“I’m Venice Tenorio and I’m two years old but in a few months I’ll turn three.” Ipinakita pa nito ang tatlong daliri. Bibong bibo si Venice habang nagsasalita.

“Anak, give lolo your best kiss.” Utos ni Jesica.

Nanlaki ang mga mata ni Venice. “Wow! I have lolo!” tuwang tuwa itong bumaba sa kandungan ni Jesica at mabilis na lumapit kay Alejandro.

Agad namang kinarga ni Alejandro ang apo at niyakap ng mahigpit. Kaninang papunta pa lamang siya ang plano niya ay ang sermunan ang anak tungkol sa kahihiyang kumakalat ngayon dahil sa pagiging dalagang ina nito pero ngayong nasa harap niya ang apo ay nakalimutan na niya ang lahat ng plano.

“Of course you have lolo.” Hinalikan niya ang mga pisngi ng apo.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon