Chapter 1 part 2

133K 2.1K 34
                                    

Chapter 1 part 2

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Emer. 

"Sumama na si daddy sa babae niya." tuluyan ng pinakawalan ni Jesica ang mga luhang kanina pa niya pinipigila. 

"How's tita Lourdes?" sabad ni Toffer.

"I think she'll be fine. She will stay in Australia for a while until na maka recover siya." turan ni Jesica habang pinapahid ang mga luha sa pisngi. 

"Yun naman pala! There's no reason to be sad, tanggap na nga ni tita dapat mag move on ka rin. Hayaan nyo muna ang daddy mo in the end babalik din sa inyo yun." masiglang wika ni Toffer.

"So... sasama ka na sa amin?" nakangiting tanong ni Emer. Kung magbabago ang isip ng kaibigan at sabihin nito na ayaw sumama sa kanila nakahanda siyang hwag ng ituloy ang plano nila ni Toffer na mag bar hopping.

"Sasama ako, ayoko namang magmukmok akong mag-isa dito."  sabay tayo ni Jesica. "Aayusin ko lang ang isusuot ko." muling baling niya sa mga kaibigan.

Pagdating nila sa bar marami ng tao kaya nahirapan silang makahanap ng pwesto. "Lumipat na lang tayo sa iba." suggestion ni Jesica dahil masyado ng crowded ang lugar. 

"Ano ka ba? sayang naman ang door charge, magbabayad tayo ng another thirty dollars kung lilipat pa tayo." reklamo ni Toffer.

"Ang lakas mong magyayang mag bar hopping wala ka palang budget." natatawang sabi ni Emer.

"I'll pay for it." pangungumbinsi ni Jesica.

"Dito na lang tayo utang na loob, sayang yung binayad ko." pero ang totoo ay nageenjoy na si Toffer sa magagandang tanawin na nakikita kaya ayaw ng lumipat sa ibang bar. 

Hindi na nakapalag ang dalawang babae ng mag-order na si Toffer. 

Sa VIP room naman ay may tatlong kalalakihan ang nagkakasiyahan. 

"Dude, nawawalan ka na ng social life. What happened to Mia?" pangungulit ng mga kaibigan ni Vincent. 

Siya ang pinadala ng kanyang tito Francis para makipag-usap sa isa sa mga investors nila na naka base sa San Francisco California. Nagkataon naman na nabalitaan ng kanyang mga kaibigan ang pagdating niya, kaya nagyaya ang mga ito na lumabas. At ngayon siya ang nasa hot seat, panay ang pang-aasar sa kanya ng mga ito.

"I'm just busy, since we started our relationship alam naman niya kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay sa kanya." sabay lagok ni Vincent sa alak na nasa harap.

"While you're here you should look for someone to fill your bed." sabi ni Luis na kilala rin sa pagiging playboy. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon