Chapter 32 part 2

76.8K 1.7K 74
                                    

Chapter 32 part 2

Napakunot ang noo ni Lourdes ng abutan sa living room si Vincent na nakikipaglaro kay Venice. Wala sa hinagap na niya na dadalaw ito ng ganito kaaga kung alam lang sana niya ay nabigyan niya ng impormasyon si Franco.

"Good morning po." Magalang na bati ni Vincent ng matanawan na papalapit sa kanila si Lourdes.

"An gaga mo hijo, wala ka bang pasok ngayon?" nakangiti niyang tugon dito. "Alam ba ni Jesica na nandito ka?"

 

"I have breakfast meeting malapit lang dito kaya dumaan na po ako. Hindi ko po alam kung nasabi ni Manang Aning kay Jesica na nandito ako, I hope it's okay with her na maging madalas ang pagdalaw ko gusto ko lang makabawi sa anak ko."

 

Tumango lang si Lourdes at nginitian ang apo na nakakandong kay Vincent. Kitang kita niya na masaya ang bata sa presensiya ng ama.

 

"Lola, Papa told me we'll go to Enchanted Kingdom. Do you know that place?" inosenteng tanong ni Venice.

 

"Yes apo, I know that place but I've never been there and I'm sure you'll enjoy." Pilit ang ngiti ang pinakawalan niya bago binalingan si Vincent. "Hijo, sana kapag may mga plano kang ilabas si Venice ipagpaalam mo muna kay Jesica para hindi kayo magkaproblema sa schedule." 

 

"I was trying to call her since yesterday but she's not answering my calls. Kapag nakausap ko po siya ipagpapaalam ko ang tungkol sa lakad namin ni Venice." Paliwanag ni Vincent.

"Don't get me wrong hijo, ayoko lang na pagmulan ng pagtatalo ninyo ni Jesica ang tungkol dito." Nagpapaunawang paliwanag ni Lourdes.

Marahang tumango si Vincent ayaw niyang makipagtalo sa ginang pero hindi niya maiwasan na hindi mainis kay Jesica. Kung tutuusin ay may karapatan din siyang magdesisyon para sa anak ng hindi na dapat isangguni dito.

 

"By the way Vincent, dito ka na magbreakfast para makasabay mo si Venice. I know you have a meeting pero nandito ka na rin lang sabayan mo na ang bata mukhang napagod si Jesica kagabi dahil may mga tinapos siyang bagong recipe." Sabay tayo ni Lourdes para tingnan kung handa na ang hapag kainan.

Inabutan niya si Nana Aning at dalawang kasambahay na abala sa paghahanda ng mesa. "Manang Aning, sabay kakain si Vincent at Venice."

 

"Opo ma'am. Si ma'am Jesie sasabay po ba sa kanila?" tanong ni Manang Aning.

"Naku, hindi sasabay yun. At isa nga pala kapag dumarating si Vincent agad mo kaming sinasabihan kahit natutulog ako don't hesitate." Mahigpit na bilin ni Lourdes kailangan niyang agad malaman kung nandito si Vincent para mabigyan niya ng impormasyon si Franco.

"Opo ma'am, sa susunod po agad ko kayong sasabihan." Mabilis na tugon ni Manang Aning.

 

"Bahala na kayo kina Vincent at Venice, may importante lang akong aasikasuhin." Nagmamadaling tumalikod si Lourdes para matawagan si Franco kaya niya inimbitahang mag-almusal si Vincent ay para may pagkakataon sila ni Franco na magkaharap.

Pagpasok na pagpasok sa study room ay agad na dinampot ni Lourdes ang telepono, umaasa siya na sana gising na si Franco sa ganung oras.

 

"Tita Lulu, good morning." Masayang bungad ni Franco sa kabilang linya.

"Thank God at gising ka na. Kaya mo bang pumunta ngayon dito sa bahay? Ngayon na natin sisimulan ang plano nandito ngayon si Vincent." Excitement ang masasalamin sa boses ni Lourdes. Hindi na hahayaang masaktan muli ang anak masyado na itong maraming naisakripisyo dahil sa mga nangyari noon.

"That's perfect Tita, I'm on my way there. May usapan kami ni Jesica ngayon mukhang nagkaproblema siya sa bago niyang recipe." Mabilis na tugon ni Franco sa kabilang linya.

 

"That's great! Don't forget to bring flowers." Natatawang bilin niya dito.  

 

"Thanks for reminding me tita. I'll be there in few minutes." Ibinaba na ni Franco ang telepono.

Pagkatapos nakipag-usap kay Franco ay si Jesica naman ang hinarap ni Lourdes, hindi na niyang hinintay na pagbuksan siya ng anak ng pinto ng kwarto nito. "Jesie anak, do you know that Vincent is here?" Inabutan niya si Jesica na seryosong nakaharap ito sa laptop niya.

Yes mommy, sinabihan ako ni Elena." Tukoy niya sa isa sa mga kasambahay nila. "Umalis na ba?" balewalang tanong ni Jesica.

"Inimbitahan ko siyang dito na magbreakfast para naman makasalo niya si Venice." Umupo si Lourdes sa gilid ng kama habang pinagmamasdan ang anak na busy.

"Mommy! You shouldn't do that." Mabilis na napalingon si Jesica sa ina.

"Hayaan mo lang si Vincent na magspend ng time with Venice para hindi makapag-isip ng kung anu-ano. Dahil kung kailan mo pinipigilan yan lalong ipagpipilitan ang gusto. Trust me hija, one of these days siya ang maghahabol sayo." Sabay kindat pa ni Lourdes sa anak.

Natawa sa reaksiyon ng ina si Jesica. "Kayo talaga kung anu-ano ang pinagsasabi." Sabay iling nito. Naputol lang ang usapan nila ng may mahihinang katok silang narinig, si Jesica na ang nagbukas ng pinto at nabungaran niya si Elena.

"Ma'am, nasa baba po si sir Franco." Pagbibigay impormasyon nito.

"Okay, pakisabi sa kanya susunod na ako." Nagmamadaling muling pumasok si Jesica sa kwarto para kuhanin ang recipe notes niya. Madaling araw na siyang nakatulog kanina dahil hindi niya maperfect ang isa sa mga recipes niya kaya kinailangan na niya ang tulong ni Franco. Mula ng malaman ni Vincent ang tungkol sa anak ay nawalan na ng konsentrasyon si Jesica lagi na lamang niyang iniisip kung paano niya makakayanan ang mga susunod na hakbang ni Vincent.

 _________________________

A.N.

Pasensiya na po ang tagal ng update medyo nagkaproblem lang po...

Enjoy reading guys :)

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon