Chapter 16 part 2

80.7K 1.7K 49
                                    

Chapter 16 part 2

Masama ang pakiramdam ni Jesica ng araw nay un kaya hindi muna siya nagreport sa restaurant. Alam naman niyang kayang kaya na ito ng kanyang mga tauhan. Kasalukuyan nagpapahinga siya sa kanyang kwarto ng pumasok ang kanyang mommy.

 

“Jessie, I heard pinuntahan ka daw ni Divina sa restaurant. Is that true?”

“Yes.” Maigsing tugon ni Jesica. Masyadong masakit ang ulo niya para magpaliwanag pa sa kanyang ina.

“Bakit daw? Wala akong makitang dahilan para mag-usap kayo maliban na lamang kung alam na niya ang tungkol kay Venice.”  Umupo ito sa gilid  ng kama habang matamang tinitigan ang anak.

 

“Mommy, masakit ang ulo ko. I’ll explain it to you later.” Nagpapaunawang sabi ni Jesica.

 

“Okay, I’ll just call her at sa kanya ko na lang tatanungin  kung ano ang mga napag-usapan ninyo.” Sabay tayo nito at akmang tatalikod na ng idilat ni Jesica ang mga mata.

Mommy! Don’t you ever do that!” natatarantang napabangon ito.

 

“I know why you are sick right now, because of too much stress. Anak, you can share that to me para hindi ka mag-isang nahihirapan diyan.” Nilapitan ni Lourdes ang anak at hinawakan ang dalawang kamay na nasa kandungan nito.

Napabuntong hininga si Jesica dahil tama ang sinabi ng ina. Ilang araw din siyang walang tulog mula ng makausap niya ang tiyahin ni Vincent.

 

“Mommy, she doesn’t like me for Vincent.”

“At bakit daw?!” napatayo si Lourdes.

“Hindi nila kayang tanggapin na may anak na ako.” Naluluhang sumbong ni Jesica sa ina.

Napahawak sa noo si Lourdes. “Kung alam lamang nila kung sino ang batang tinatanggihan nila baka lumuhod pa ang mga yan sa harapan mo.” May bahid na ng galit ang boses ng ginang.

 

“Mommy, you promised me that you won’t tell this to anybody.”

“Why did you tell it to your dad?” paninita nito sa anak.

 

“Of course, he’s my father. He’s still part of my life. Hwag ka ng magselos kung sinabi k okay daddy, I love you both.” Malambing na yakap ni Jesica sa ina.

“Magsama kayong mag-ama.” Pilit na tinatanggal ni Lourdes ang mga kamay ng anak na nakayapos sa kanya.

Mas lalong hinigpitan naman ni Jesica ang pagkakayakap sa ina. “Ang mommy agad nagtatampo. Syempre ikaw ang gusto naming kasama ni Venice.” Paglalambing ni Jesica.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon