Chapter 3 part 1

110K 1.8K 32
                                    

Chapter 3 part 1

Nang lumabas sa banyo si Vincent ay nakabihis na si Jesica at tila hinihintay siya nito. “Bakit nandito ka pa?” malamig na sabi niya sa dalaga at tuloy tuloy na tinungo ang kinalalagyan ng closet.

“Can we talk?” mababakas sa boses ni Jesica ang kaba.

 

“Wala tayong dapat pag-usapan at kung ano man ang plano mo kalimutan mo na yun. Katulad ka rin ng mga babaeng naghahabol sa akin.” Binuksan na nito ang pinto ng kwarto at pinapahiwatig na ayaw na niyang makipag-usap sa babae.

‘I don’t know what are talking about… hindi ko ito plinano, baka nakakalimutan mo ikaw ang lumapit sa akin.” Salubong ang mga kilay ni Jesica habang nagsasalita.

 

“Makakaalis ka na.” matigas na sabi ni Vincent.

 

“P-Paano ang nangyari sa atin?” naluluha na si Jesica. Kahit kalian ay hindi niya naisip na mangyayari sa kanya ito.

 

“It’s not because you’re virgin then you can drag me to church and have my name. “ sinabayan pa nito ng nang-uuyam na ngiti. “Hindi ako ang lalaking mapapaikot mo Jesica.” Nilapitan nitoJesica at niyugyog pa sa balikat at marahas niyang binitiwan ito ng makita ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ng dalaga.

“What if I’ll get pregnant?” halos hindi na makapagsalita si Jesica dahil sa mga emosyong sumasalakay sa kanyang pagkatao ng mga sandaling yun.

Wala sa sariling napasabunot sa buhok si Vincent, hindi siya gumamit ng proteksiyon at maaaring mabuntis nga niya ang babae.

“Don’t worry, hindi ako tumatakbo sa responsibilidad at ayoko rin na magkaroon ng bastardong anak. Kapag nalaman mong buntis ka pag-uusapan natin.” Walang lingon likos na niyang tinalikuran si Jesica para tunguhin ang kusina.

Napabuntong hininga na lang ang dalaga bago hinamig ang sarili. Magpapalipas muna siya ng ilang araw bago makipag-usap muli kay Vincent, mas mainam na pahupain muna niya ang galit nito. Hindi na niya kailangan pang mag-paalam sa binata dahil kanina pa naman siya nito pinapaalis.

Pagbalik ni Vincent ay may dala na siyang dalawang tasa ng kape, napag-isip niya nab ago umalis ang dalaga ay mainitan muna ang sikmura nito. Napakunot ang noo niya ng salubungin siya ng katahimikan, umalis na si Jesica. Hindi nga pala niya nakuha ang buong pangalan ng babae.

Sunud-sunod na tunog ng doorbell ang bumulabog sa pag-iisp niya. Kung makapag doorbell ang nasa labas ay parang may emergency.  

“Hey, dude! Did we disturb you?” maluwag ang pagkakangisi ni Renzo. Tinapunan niya pa ng malisyosong tingin ang pinsan.

Niluwagan ni Vincent ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang kaibigan at ang pinsan niyang si Dennis.

 

“Bakit nag-uwi ka ba ng babae?”  natatawang tanong ni Dennis. “Just make sure na hindi sasakit ang ulo mo diyan.” Pagpapaalala pa nito.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon