Chapter 26 part 1

79K 1.4K 24
                                    

Chapter 26 part 1

Dalawang linggo ang matuling lumipas mula ng makalabas sa ospital si Lourdes. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pinapayagang magtrabaho ng kanyang mag-ama. Natutuwa siya dahil sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari nitong mga nakaraang taon ay muling nabuo ang pamilya nila. Naputol ang kanyang pagmumuni muni ng maramdaman ang presensiya ng kanilang mayordoma.

"Ma'am Lourdes, may naghahanap po sa inyo. " imporma ni Nana Aning. 

Napakunot ang noo ni Lourdes dahil wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. "Itinanong mo ba ang pangalan?" hindi pa rin napapawi ang pagkakakunot ng kanyang noo. 

"Mrs. Divina Almonte daw po." 

Mabilis na napatayo si Lourdes mula sa kinauupuan. May kakaibang kaba siyang naramdaman sa pagbisita sa kanya ni Divina. Naisip niya na hindi ito magaaksaya ng oras na puntahan siya kung hindi importante ang sadya. 

"Ipaghanda mo kami ng tea, sa study room mo dalhin." utos nito sabay talikod para puntahan si Divina. 

"Divina, I'm happy to see you!" nakangiting bungad ni Lourdes sa living room kung saan naghihintay ang eleganteng matriarka ng mga Almonte.

"Kumusta ka?" may bahid ng pag-aalala ang boses ni Divina. Nilapitan niya ito at nakipagbeso beso. 

"Heto, still in recovering stage." nakangiting tugon ni Lourdes. 

Niyaya niyang umupo ni Lourdes ang bisita bago nagsimulang magkwentuhan. 

"Kahapon ko lang nalaman ang nangyari when I called your secretary. Hindi man lang kami nakadalaw sa hospital." apolegetic ang tinig ni Divina. 

"That's okay, alam ko naman na masyado rin kayong naging busy sa preparation ng kasal nina Dennis at Emer. Sayang nga lang hindi na ako nakasama kay Jesica masama na ang pakiramdam ko nang araw na yun." 

"Sana next time maging busy naman tayo para sa wedding nina Vincent at Jesica." sabay bungisngis ni Divina. 

Ngumiti lang si Lourdes. "I heard that he was already engaged." 

"Isa yan kaya ako pumunta dito." mabilis na sagot ni Divina. 

"Ang mabuti pa sa study room tayo mag-usap." akmang tatayo na si Lourdes ng pigilan siya ni Divina. 

"Gusto ko sanang makita ang apo natin. Kung pwede lang sana." pakiusap ni Divina. 

"Of course! hindi mo na kailangang sabihin yan alam kong gusto mo ring makita ang bata. Ang plano ko sana ay mamaya ko ipatatawag ang ating apo pagkatapos nating mag-usap. "

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon