Chapter 21 part 2

83.6K 1.7K 59
                                    

Chapter 21 part 2

Tanaw na tanaw na ni Jesica ang marangyang tahanan ng mga Ignacio. Nasa kolehiyo pa siya ng huling pumunta dito at noon pa man ay talagang humahanga na siya na kagandahan ng ancestral nina Emer.

“Jessie!” Mabilis na nilapitan ni Emer ang kaibigan ng matanaw niya ang kotse nito.

Agad na umibs si Jesica at inalalayan ang anak na makababa ng sasakyan. Nagyakap ang dalawang babae bago binalingan ni Emer si Venice.

“Hi, little princess.” Akmang bubuhatin niya ito ng mag protesta si Jesica.

“Oooppss, Emerald bawal mong buhatin si Venice. Nakalimutan mo yatang buntis ka.” Paninita ni Jesica.

“Oh sorry sweetie..” malungkot na pahayag ni Emer na nakatitig kay Venice. “Just give me a big hug.” Sabay lahad nito sa dalawang kamay.

Agad namang lumapit si Venice ito at niyakap ng mahigpit si Emer. Nakangiti lang si Emer habang pinagmamasdan ang dalawa. Sabay sabay na silang pumasok sa kabahayan.

Inabutan ni Jesica si Eliza na may kausap sa telepono habang nakaupo sa marangya nilang living room. Nilapitan niya ito at nagmano, ginaya din ni Venice ang ginawa ng ina.

Mabilis na tinapos ni Eliza ang pakikipag-usap at binalingan ang mga bisita. “Jesica it’s nice to see you again, you’ve never change ang ganda ganda mo pa rin hija.” Papuri ng ginang sa kaibigan ng anak.

“Ang tita talaga kahit kalian ikaw ang number one fan ko.” Nakangiting tugon ni Jesica sa papuri ni Eliza.

“And who is this little angel?” nakangiting baling nito kay Venice.

 

“Mama, she’s Venice anak ni Jessie.” Pagbibigay impormasyon ni Emer, wala siyang naikwento sa mga magulang tungkol sa nangyari sa kaibigan.

Nanlalaki ang mga matang tumingin si Eliza kay Jesica. Nabigla siya sa narinig mula sa anak at gusto niyang kompirmahin ito kay Jesica kung tama ang sinabi ni Emer. Marahang tango ang itinugon ni Jesica sa ginang.

Nang makabawi sa pagkakabigla ay muling nagsalita si Eliza. “Come here apo.” At niyakap ng mahigpit ang bata.

“Ang mama talaga sabik na sa apo. Kaya habang nandito si Venice mag practice ka na.” pang-aasar ni Emer sa ina.

“Marami pa akong tanong but I think this is not the proper place to talk you ladies.” Kay Jesica nakatingin si Eliza habang nagsasalita.

“Later tita, I’ll tell you everything.”  Agad na nakuha ni Jesica ang gusting iparating ni Eliza. Mula noong nag-aaral pa sila ni Emer ay parang isang ina na rin ang turing niya dito.

“Bakit hindi ninyo kasama si Lourdes at Alejandro?” pag-iiba ni Eliza sa usapan at dinala si Venice sa may sofa at kinandong niya ito.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon