Chapter 16 part 1

80.4K 1.8K 89
                                    

Chapter 16 part 1

Nang masiguro ni Jesica na kaya na ng kanyang chef ang mga trabaho sa kusina ay lumabas muna siya sa dining area para mag-obserba sa kanilang mga customers. Gusto niyang masatisfy ang bawat kumakain sa kanyang restaurant. Tahimik siyang nakaupo sa isang sulok ng biglang naalala niya ang mga nangyari sa civil wedding ng kaibigan. Nawala sa isip niya na pinsan nga pala ni Vincent ang pakakasalan ng kaibigan.

“Excuse me ma’am, someone is looking for you.” Magalang na sabi ng isa sa mga waiters niya.

“Huh! Sino?” nagtataka niyang tanong dahil wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. Kung isa sa mga kaibigan niya ay kilala na sila ng mga empleyado niya.

Hindi pa nakakasagot ang waiter ng may marinig si Jesica na nagsalita mula sa likod ng waiter.

“Hi hija, do you still remember me?” malumanay na tanong ni Divina.

Mabilis naman na inalalayan ng waiter ang ginang na makaupo, alam niyang importanteng tao ang bisita ng amo.

Opo, kayo po ang mother in-law ni Emer. What can I do for you ma’am?” kahit na parang tinatambol sa kaba ang dibdib ni Jesica ay mahinahon pa rin siyang magsalita.

“Hindi lang mother in-law ni Emer, pamangkin ko rin si Vincent.” Tinitigan ni Divina ang kausap.

Parang nahuhulaan na ni Jesica ang sadya sa kanya ng ginang. Tumango lamang siya at hinintay kung ano ang sasabihin nito.

“Nang makita kita sa mansion hindi ko agad na naisip na ikaw ang babaeng kinalolokohan ni Vincent. Jesica, I’m not against to you.” Maingat ang bawat salitang binibitiwan ni Divina, ayaw din niyang masaktan ang damdamin ng kauasap.

“Ma’am, I don’t have relationship with your nephew. Hwag po kayong mag-alala.” Mabilis na sagot ni Jesica sa ginang.

“I’m happy to hear that. Actually wala sanang problema kung…” hindi maituloy ni Divina ang gustong sabihin.

 

“Kung wala po akong anak.” Diretsang tugon ni Jesica dito.

Hinawakan ni Divina ang kamay ng dalaga. “Hija, hwag ka sanang magagalit sa akin I’m just concern for Vincent. I know you understand my feelings because you’re also a mother.” Nakikiusap ang tinig nito.

Sobrang sakit ang nararamdaman ni Jesica. Sa tamang panahon ay malalaman din ng mga ito ang katotohanan dahil alam naman niyang walang lihim na hindi nabubunyag. “Naiintindihan ko po kayo at sisiguraduhin kong hindi ako mauugnay kay Vincent.”  

 

“Thank you hija, sana kung nakilala ka lang ng pamangkin ko noong wala ka pang anak ay ako mismo ang gagawa ng paraan para magkatuluyan kayo. Hindi ko rin gusto ang babaeng nalilink na sa kanya lalo na itong Mia.” Nakahinga ng maluwag si Divina sa sinabi ni Jesica. Naghihinayang din siya dahil ngayong nakausap niya ito ng harapan ay mas lalo niyang nakilala kung anong klaseng babae ito.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon