Chapter 14 part 1

85.7K 1.6K 30
                                    

Chapter 14 part 1

Abalang gumagawa ng mga bagong recipe si Jesica ng biglang bumukas ang study room. “Mommy, para namang may emergency.” Tinapunan lang niya sandali ng pansin ang ina at pinagpatuloy niya ang naputol na ginagawa.

“Jessie,ano  itong nabalitaan ko na araw-araw nasa restaurant mo si Vincent?” nakapamaywang na tanong ni Lourdes sa anak.

“Hindi ko naman pwedeng ipagtabuyan yung tao kung customer siyang pumunta dun.” Tuluyan ng nawala sa konsetrasyon si Jesica. Mukhang gustong makipag-usap ng kanyan ina tungkol kay Vincent.

“Meron bang ganung costumer na halos maghapon na nakatunganga doon?” nanlalaki ang mga mata ni Lourdes.

 

“Mommy, please I’m busy.” Nagpapaunawang sabi ni Jesica.

 

“Jesica, don’t wait that I will be the one who’ll confront him. Hindi ko gustong nandun siya.” Matigas na turan nito sa anak.

 

“I think much better if you’ll talk to him, para tigilan na niya ang pangungulit niya sa akin.”

“Bukas kami magtutuos ng lalaking yan. Nasabi rin sa akin ng tita Lucila mo ang tungkol sa pagpunta ni Vincent sa bahay, bakit wala kang nabanggit sa akin?” naninitang tanong ni Lourdes.

 

“Mommy, hindi naman kasi importante yun and I don’t want to waste my time talking about him.” Nakasimangot si Jesica habang nagsasalita. Tuwing napag-uusapan ang tungkol kay Vincet ay sumasakit ang ulo niya.

Umupo si Lourdes sa sa silyang nasa harap ng mesa ni Jesica. “Anak, hwag mong hahayaang makalapit sayo si Vincent. Kapag patuloy siyang nasa paligid mo hindi magtatagal malalaman niya ang tungkol kay Venice at hindi natin alam kung ano ang mga hakbang na pwede niyang gawin.” Seryosong turan ni Lourdes.

Aminado si Jesica na may punto ang ina, pero sa ngayon ay hindi niya alam kung paano itataboy ang binata sa buhay niya. Ito ang patuloy na lumalapit sa kanya.

“I don’t know what to do.” Pag-amin na ni Jesica sa ina.

 

“Did you talk to him?”

Tumango si Jesica. “Pinagpipilitan niya na panagutan ang nangyari sa amin noon.” Nakayukong turan ni Jesica.

Ngayon pa? It was years ago! Bakit may bago na naman silang deal ng mga kaibigan niya? ” nagsisimula ng mamula sa galit si Lourdes.

“Mommy, please I don’t want to talk to him. We’re done and I won’t allow him to be part of my life. Wala rin siyang malalaman tungkol kay Venice.” May pinalidad na sa mga desisyon ni Jesica.

“Siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan yang mga sinasabi mo. I don’t want to interfere with your personal life but I don’t want to see you crying in the end.” Babala nito sa anak.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon