Chapter 35 part 1

80.7K 1.8K 67
                                    

Chapter 35 part 1

Hatinggabi na pero hindi pa rin dalawin ng antok si Jesica. Masyado siyang nangangamba nab aka mawala sa kanya si Venice kung kinakailangan niyang makiusap kay Vincent ay gagawin niya huwag lamang nito kunin ang anak sa kanya. Nagulat siya ng may marinig na mahihinang katok sa labas ng kanyang kwarto, agad siyang bumangon para tingnan ang kung sino ang kumakatok.

“Sweetie, why?” Agad na kinarga ni Jesica ang anak.

“Mama, I can’t sleep.” Naramdaman niya ng humigpit ang yakap ng anak.

“Do you want to sleep here?” Inilapag niya ang anak sa kama at niyakap.

“Yes, mama. I don’t want to have a bad dream again.”

“Why? What was your dream?” hinimas himas ni Jesica ang ulo ng anak. Hindi pa nakakasagot ang bata ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nagtataka man ay dinampot niya ito, sa ganitong dis-oras nan g gabi ay wala na siyang inaasahang tatawag. Lalong lumalim ang pagkakunot ng noo niya ng makita ang nakarehistro na pangalan.

“Hold on sweetie, I’ll just answer this.” Baling ni Jesica sa anak.

Marahang tumango na lamang ang bata at yumakap sa ina habang nakikipag-usap ito sa telepono.

“Vincent, it’s midnight. Ano na naman ang kailangan mo?” singhal ni Jesica.

“Saan kayo pumunta ng lalaki mo? Baka pati anak ko sinama mo pa.”

“Oh God!” Napatapik sa noo si Jesica. “Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas yan at hwag mong ibato sa akin ang mga bagay na ginagawa mo.” Kung wala lang sa tabi niya ang anak aya baka nasigawan na niya ang kausap.

 

“Who’s that? Daddy?” sabad ni Venice.

“Hayan ang anak mo ang kausapin mo.” Sabay abot ni Jesica ng telepono kay Venice.

Ilang sandali pa ay ang mag-ama na ang nag-uusap naririnig niyang ikinukwento ng anak ang tungkol sa panaginip nito. Napangiti siya ng marinig ang baluktot na tagalog ni Venice.

“Daddy huwag mong aaway si mama ha? I saw her crying in my dream.”

 

Na curious siya kung ano ang sinagot ni Vincent dahil nakita niyang ngumit ang anak at panay ang tango nito habang nakikipag-usap.

 

“Mama, daddy wants to talk to you.” Maluwag pa rin ang pagkakangiti nito.

 

“Anong kalokohan ang sinabi mo sa bata?” Sita ni Jesica kay Vincent.

 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon