Chapter 5 part 2

101K 1.8K 40
                                    

Chapter 5 part 2

Palakad lakad si Jesica sa sala ng apartment nila, hindi siya mapakali sa sinabi ng ina. Ngayon pa lamang ay namumutla na siya sa kaba at hindi niya rin alam kung paano sasalubungin ito sa kasalukuyang kalagayan. 

"Jesie, kanina ka pa diyan sa kakalad. Nahihilo na ako sayo at baka kung ano ang mangyari sa baby mo." reklamo ni Emer dito habang patuloy sa binabasang libro. 

"Emer, what will I do? My mom is coming." naguguluhang tanong ni Jesica sa kaibigan bago umupo sa tabi nito.

"Akala ko nga hindi na matutuloy si tita Lourdes. Almost 5 months din na nadelay ang vacation niya dito." itiniklop ni Emer ang binabasang libro at humarap sa problemadong kaibigan.

"I'm scared, baka hindi matatanggap ni mommy ang baby ko." tuluyan ng nalaglag ang mga luha ni Jesica. 

"Stop crying, hindi makakabuti sa inyo ng baby yang ganyang attitude." mabilis niyang dinaluhan si Jesica. "Don't worry, I know tita Lourdes she's a sensible woman and I'm sure she will understand you." pampalakas loob na sabi ni Emer sa kaibigan. 

"I'm hoping na ganun ang magyayari." sabi Jesica habang pinupunas ang mga luha sa pisngi

"When is she coming?"

"Baka nga parating na yun. Ayaw na kasi niyang istobohin tayo para sunduin siya." napapailing na sabi ni Jesica.

"What?! ngayon ang dating ni tita Lourdes?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Emer. "Why you didn't tell me that she'll arrive today?" 

"I don't want to bother you, alam ko nama na ang dami mong ginagawang designs." 

"Are you sure na ngayon ang dating ni tita?" pangungulit ni Emer.

Kinakabahang tumango lamang si Jesica at ng may marinig na tunog ng door bell ay halos mapalundag siya sa kinauupuan. 

"Baka ang mommy na yan." halos pabulong na sabi ni Jesica. 

"Ako na ang sasalubong muna sa kanya." mabilis na tumayo si Emer para pagbuksan ng pinto ang taong nasa labas.

Pagbukas ng pinto ay ipinaskil ni Emer ang pinakamatamis niyang ngiti sa kabila ng tensiyon na nararamdaman. "Hi! tita, kanina pa po namin kayo hinihintay." niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at mabilis na humalik sa pisngi ng ginang.

"Lalo ka yatang gumanda Emer." magiliw na bati ni Lourdes sa kaibigan ng anak. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon