Chapter 4 part 1

103K 1.8K 39
                                    

Chapter 4 part 1

Ilang araw ng nakakaramdam ng pagkahilo si Jesica, hindi naman siya pagod at nakapag adjust na rin siya sa buhay sa Amerika. Kinulit siya ni Emer na magpatingin sa doctor kaya wala siyang magawa ng halos kaladkarin siya nito. 

Abot-abot ang kaba niya habang hinihintay ang resulta ng laboratory test, tahimik din siyang nananalangin na sana ay hwag maging totoo ang sapantaha niya. 

"Are you alright?" nag-aalala si Emer dahil napansin niyang namumutla ang kaibigan. 

Tinanguan at nginitian lamang niya si Emer. 

"God! Jessie you made me nervous sa mga kinikilos mo. Are you hiding something?" bulong ni Emer dito. 

"I'm okay, nahihilo lang naman ako. Don't think too much maaga kang tatanda." nakuha pa niyang magbiro. 

Itinirik na lang ni Emer ang mga mata. Ayaw na lang niyang magkomento. 

"Congratulations! Ms. Tenorio." maluwag ang pagkakangiti ng amerikanang doctor sa kanya.

"What do you mean doctor?" lalong bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. 

Si Emer naman ay nakakunot ang noo habang nakikinig sa dalawa. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng doctor, at ng lingunin niya si Jesica ay parang kasing kulay na ng papel ang mukha nito. 

"You're two months pregnant." Inabot nito ang resulta ng mga laboratory test kay Jesica. 

Halos ayaw abutin ito ni Jesica, sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil kahit papaano ay nagkaroon ng katuparan ang pangarap niya na makalapit kay Vincent o magagalit siya sa sarili dahil sa katangahan na ginawa niya. At ngayon ay may inosente pang buhay na madadamay. 

Nanlaki ang mga mata ni Emer sa narinig, ngayon niya napagtanto na seryoso ang napasok na problema ng kaibigan. 

"You've told me a while ago that you feel dizziness every morning, don't worry it's normal during the first trimester. I'll prescribe some vitamins for you and for the baby and I want you to eat healthy food and avoid drinking alcohol it might harm the baby." pagpapaalala ng doctor. 

Puro yes at okay lang ang tanging naisagot ni Jesica masyadong okupado ang kanyang isip. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bagong pagsubok sa kanya. 

"Emer, what will I do?" lumuluhang tanong ni Jesica sa kaibigan ng nasa loob na sila ng kotse. 

Mataman munang tinitigan ni Emer si Jesica. "Nandyan na yan wala na tayong magagawa." malumanay niyang pahayag habang ini-start ang sasakyan.

"Hindi ko kakayanin ito." lumuluhang sabi ni Jesica.

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon