Psycho 2

302 16 6
                                    

AERA HAN

Nagising ako nang may maramdamang madulas na bagay na humahaplos sa hita ko. Mabilis kong dinilat ang mga mata ko at agad umatras palayo sa mga babaeng hinahawakan ang hubad kong katawan pero maling desisyon yata ang nagawa ko dahil nauntog lang ako sa matigas na bagay. Nang tignan ko yun, isa yung gripo. Napagtanto kong nasa loob ako ng isang bath tub, kung tama ang hinala ko.

"Sino kayo? N-Nasan ako?"

"Kalma lang po, Lady Han. Pinadala kami dito ni Master Hee para linisin ang katawan mo." Sabi ng nag-iisang babae na nakatayo sa likod ng tatlong babae na hinahawakan ang iba't-ibang parte ng katawan ko. Literal na wala akong suot na kahit ano kaya ramdam na ramdam ko ang mga palad nila sa balat ko.

Napakislot ako nang ang isa sa kanila ay hawakan ang isang parte ng dibdib ko. Mabilis akong lumayo at tinakpan yun gamit ang parehong palad ko.

"K-Kaya ko na ang sarili ko, pwede na kayong umalis." Namumulang sambit ko.

"Hindi po pwede ang gusto niyo, Lady Han. Kailangan naming sundin kung ano man ang iniutos ni Master Hee at siya lang po ang pwede naming pakinggan."

"P-pero kaya ko naman na talagang paliguan ang sarili ko. Malaki nako, sabihin niyo nalang sa kaniya."

"Mawawalan po kaming lahat ng trabaho kapag ginawa namin yun. Patawad, Lady Han." Aniya saka nilagay ang kanang kamay sa dibdib at yumuko ng bahagya.

Napabuga nalang ako ng hangin at nagpaubaya. Kahit pa man naiilang ako, wala naman akong magagawa. Alam kong malupit na tao ang sinasabi nilang Master Hee kaya alam ko ding totoo ang mga sinasabi nila. Kailangan ko silang intindihin.

"Pwede ko bang malaman ang mga pangalan niyo?" Tanong ko nalang para kahit papaano ay mabawasan ang hiya.

"Ako po si Mariya Gracia, pinuno ng mga katulong dito sa palasyo ni Master Hee." Siya ulit ang nagsalita. "At sila naman sina Paula, Emely at Jovilyn."

Isa-isa ko silang nginitian pero ni isa sa kanila ay hindi ako sinuklian. Inalis ko nalang ang ngiti ko saka bumuntong hininga.

Pwede ko kaya silang tanungin tungkol sa mga sinabi sa akin ni Lee Heeseung? May alam kaya sila? At kung magtatanong ako at may alam nga sila sasagutin kaya nila ako? Pero sa tingin ko ay hindi, ni hindi nga nila ako matignan sa mga mata. Pero wala namang masama kung sumubok.

"Sino ba—pwede niyo bang sabihin kung sino si Lee Heeseung? At kung bakit niya ako gustong parusahan? Sino si Hannah Lee? Bakit sinasabi niyang ako ang pumatay sa kapatid niya?"

Tumayo na ang tatlong babae na naglilinis sakin pagkatapos nila. Naglakad sila papunta sa likod ni Mariya at magalang na yumukod at pinagsiklop ang mga kamay.

"Kuhanin mo ang susuotin ni Lady Han, Jovilyn." Utos niya.

"Masusunod." Sabi naman nung babaeng maikli ang buhok na Jovilyn ang pangalan saka umalis.

Muli ay humarap sakin si Mariya. Hindi siya mukhang masamang tao pero hindi din siya mukhang mabait.

"Patawarin mo ako kung hindi ko maaaring sagutin ang mga tanong mo, Lady Han. Tanging si Master Hee lang ang makakasagot niyan." Aniya. Muling nawala ang kakarampot na pag-asang sumiklab sa puso ko.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon