Psycho 24

232 13 17
                                    

AERA HAN

Kinabukasan, nagising ako mula sa pinakamasarap na tulog na naranasan ko simula noong mapunta ako sa puder ni Heeseung.

Masakit pa din ang paa ko pero hindi na kagaya kagabi.

Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa non sina Riki, Sunoo, Jake at Jay. Nailang naman ako ng kaunti dahil kagigising ko lang talaga, kahit hilamos ay wala ako. Wala na din akong oras para gawin yun, kapag kasi binuksan mo ang pinto bubungad na agad ang dalawang kama. Maliit lang din kasi itong kwarto kaya ayaw dito ni Heeseung. Masikip daw tsaka masiyadong malapit ang kama naming dalawa niirita daw siya.

"How are you?" Si Sunoo ang nagsalita. Buti pa siya kahit umagang-umaga ang ganda ng mukha.

"Ayos naman, hindi na din gaano kasakit yung paa ko." Sabi ko. "Ang aga niyo naman yata bumisita?"

"Wala naman kasi kaming gagawin-" Si Jay na pinutol din agad ni Sunoo.

"Ako marami. Hinila lang ako ng lapastangan na to." Umirap ito sa kaibigan.

Kinagat ko ang labi para pigilin ang tawa.

"Wala ka talagang puso no? Mamamatay ka ba kapag di ka nakapag-lagay ng sunscreen? Paliparin kita papuntang sun makikita mo." Bawi naman nung isa.

Parang kahit sinong makasama ni Sunoo magiging kaaway niya. Nagkataon na ngayong araw ay si Jay.

"Sunscreen is very important to skin. Palibhasa wala kang alam."

Napailing-iling nalang ako at hindi na sila pinansin.

"Hi Aera."

Napangiti agad ako nang makita ang mukha ni Jake. Ang sarap pakinggan sa tenga ang boses niya lalo na't may kakaibang accent ang pagsasalita niya ng ingles. "Hi Jake."

"I told Freiya that there's no need for the bridesmaids to wear heels if they don't want to. Sorry kung napasuot ka pa." Bakas sa boses ni Jake ang guilt.

Umiling ako. "Naku, hindi lang talaga ako sanay kaya nagka-ganon. Nagkataon lang ding tinamaan ang paa ko ng skateboard, wag kang ma-guilty."

"Bakit kasi napaka-arte niyang fiance mo. Ikakasal nalang kayo ang dami pang kaartehan sa buhay." Si Sunoo na umirap pa.

Hindi naman naapektuhan si Jake sa sinabi nito at mahina pang tumawa. "Her reason is 'you only marry once and go to wedding, why don't make it memorable and exciting'?"

"Hindi kamo exciting kung may masasaktan sa kaartehan niya. Kapag nagkaanak kayo siguraduhin mong mamamana non ang ugali mo ha? Ipapakulam ko agad yon kapag nagmana kay Freiya." Si Sunoo na iritado. Seryoso ba siya o seryoso na may halong biro?

"Bakit ba ang laki ng sama ng loob mo kay Freiya? Wala namang ginawang masama sayo yung tao." Si Jay na naman na salubong ang kilay.

Nabaling ang tingin ko kay Riki na nilapitan si Heeseung na nasa kama niya at busy sa laptop.

"Can we talk?" Tanong nito.

"About what?"

"About the favor you asked."

Bumuntong-hininga si Heeseung at sinara ang laptop bago tumayo. Walang lingon-lingon na lumabas sila ng kwarto.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon