Psycho 26

225 14 23
                                    

JAY PARK

*bang!*

Natigil ang pagsayaw namin ni Yanna sa putok ng baril na yun. Kahit ang tugtog ay nahinto din at natahimik ang lahat.

What the hell was that?

Nagkatinginan kami ni Sunghoon at mabuti naman nagkaintindihan kami. Sabay kaming tumakbo palabas ng hall at hinanap kung saan galing ang tunog na yun.

Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Maya-maya ay narinig ko na ang apat sa likod namin na tumatakbo din.

"Check the perimeter." Narinig ko si Jungwon, malamang kausap ang mga guard na nakapaligid. He's a police.

"Where did that came from?" Si Riki na ngayon ay nasa tabi ko.

"I think that was from the garden." Si Sunoo. Nagsitanguan namin kami at sinunod ang sinabi niya.

"May nakapasok ng may dalang baril. I hope someone didn't get hurt." Kabado ang tono ng boses ni Jake.

Tumakbo kaming lahat papunta doon at napahinto kami ng makita si Heeseung na nakaluhod habang hawak-hawak-fuck! Si Aera!

Agad akong tumakbo papalapit sa kanila para alamin ang sitwasyon. My heart dropped when I saw blood coming from her body.

Lumuhod ako sa tabi niya at mahinang sinampal ang pisngi niya pero hindi niya man lang dinilat ang mata. She looks really pale and weak.

"Fuck. How did this happen? Who did this to her?! And why would anyone shoot Aera?!" Sigaw ko kay Heeseung na tulala ngayon. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Dude, what the heck happened here?!"

"Guys, this is not the right time for that. We need to get her to the hospital before she could lose so much blood." Si Sunoo na halatang nagpa-panic din ngayon. Kinuha niya ang phone at nag-dial doon.

Binitiwan ko naman si Heeseung.

Habol-habol ko ang hiningang kinapa ang mukha ni Aera. Naaawa ako sa itsura niya ngayon, hindi ako sanay na ang putla-putla niya at mukhang mahina.

Napalingon kaming lahat sa likod nang makarinig ng kaluskos. Maya-maya ay may tumayong pigura ng lalaking nakaitim at lahat kami ay dumapa ng magpaputok ito ng baril at tumakbo palayo.

"What the hell, man!" Sigaw ni Sunghoon na nakahawak ngayon sa batok.

Si Jungwon naman ay kinuha ang baril na nakasabit sa bewang at pinaputukan yung lalaki. Biglang tumayo si Heeseung at inagaw ang baril sa kaniya at siya na mismo ang nagpatama dito gamit lang isang kamay, ramdam mo ang gigil niya sa bawat kalabit niya ng gatilyo ngunit masiyado itong mabilis ay nakalayo.

"Tch!" Asik ni Heeseung na ngayon ay parang bumalik na sa ulirat.

"Susubukan kong habulin kung sino man yon." Si Sunghoon. Tumango ako sa kaniya at tumakbo na siya kasama si Jake papunta sa direksyon na tinakbuhan nung bwisit.

Si Jungwon naman ay alistong nakabantay sa paligid.

Lumuhod naman ulit si Heeseung sa tabi ni Aera at walang kahirap-hirap itong binuhat. Hindi na ako nagreklamo o nagsalita pa, kahit si Sunoo ay nanahimik dahil sa awra ni Heeseung ngayon na parang ano mang oras handa siyang pumatay ng tao.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon