Psycho 7

192 12 3
                                    

AERA HAN


“Matt...”

Halata ang pamumutla niya na animo'y nakakita ng multo. Katulad niya ay hindi din ako makagalaw sa kinatatayuan ko at takot na may halong tuwa ang namamayani sa dibdib ko.

Ilang segundo lang ay nakita ko nalang ang sarili ko na nakakulong sa braso niya.

“You're alive... I can't believe this. Buhay ka!” Humiwalay na siya at hinawakan ako sa parehong pisngi. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Kita ko ang purong kasiyahan sa mata niyang kumikislap ngayon dala ng namumuong luha doon.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Hindi ko alam ang dapat gawin.

Gusto ko siyang yakapin pero parang may pumipigil sa akin na gawin yun. Hindi ko maintindihan. Dahil ba sa nangyari bago kami maghiwalay na dalawa? O dahil lang sa gulat na makita ko siya ditong bigla?

Just make sure you won't escape because even if you're far from me, my eyes are still on you, watching every actions you'd make.”

Tama.

Wala sa sariling nilibot ko ng tingin ang paligid.

If I had to do the worst thing in the world just to make you admit your sin, I would. The next time you cry, it is because someone important to you has died.”

Ganon nalang ang panginginig ko nang makita ang lalaking nakaitim sa likod ng malaking puno. May hawak itong phone na nasa tapat ng tenga niya at nang makita ako nitong nakatingin ay agad din itong nagtago.

“Aera? Aera, are you okay? Where have you been? Akala namin wala ka na—”

Hinarap ko siya at hinawakan sa parehong balikat. Tinignan ko siya ng maigi sa mga mata habang pinipigilan ang sarili na umiyak.

Huwag kang umiyak. Mahahalata niyang may mali.

“Umalis ka na. Kailangan mo ng umalis.” Lumunok ako at muling nilingon ang direkson nung lalaki.

Nangunot naman ang noo ni Matthew. “What? Why? May problema ba? Hindi ako aalis dito nang hindi ka kasama. Alam mo ba kung gaano nagaalala sila sister—”

“Matthew!” Putol ko sa dapat na sasabihin niya. Halatang nagulat siya sa biglang pagtaas ko ng beses na hindi ko madalas ginagawa. “Makinig ka nalang muna sa akin. Kailangan mo ng umalis. Hindi ka niya pwedeng maabutan.” Umiling-iling ako.

“I don't get what you're saying? Sino? Sinong tinutukoy mo? Aera, may problema ka ba? Alam mong pwede kang magsabi sa akin.” Aniya gamit ang malambing na tono at nilagay ang palad sa kanan kong pisngi. Nangungusap ang kaniyang mga mata at makikita talaga doon ang pag-aalala.

Nagsunuran ang mga luha ko sa pagpatak. Gusto kong magsumbong at humingi ng tulong sa kaniya pero alam kong kahit gawin ko yun mapapahamak lang kami lalo. Ayos na ako nalang. Inosente si Matthew at ayoko siyang madamay dito. Masiyadong makapangyarihan si Heeseung.

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at huminga ng malalim.

“Babalikan ko kayo. Pangako yan. Pero sa ngayon hindi ko pa kayo pwedeng makasama. Pakisabi nalang kayla sister na buhay ako at huwag silang masiyadong mag-alala lalo na ang mga bata.”

“Aera, no! Sinabi ko na, hindi ako aalis—”

“Mag-iingat kayo palagi.” Yun lang ang sinabi ko bago tumakbo ng mabilis papalayo sa kaniya.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon