Psycho 40

275 20 47
                                    

AERA HAN


Bumalik din agad si Heeseung sa tabi ko pagkatapos niyang kumanta. Umalis din naman agad si Harley pero ang tingin nila nilang tatlo nila Yanna ay nasakin pa din.

Hindi ko nalang yun pinansin at binalingan ang lalaking nasa tabi ko ngayon na hindi ko alam kung bakit namumula-mula ang mukha.

"Ang galing mo, Mr. Lee. Ganda ng boses." Bulong ko.

Sandali niya lang akong sinulyapan at tanging tango lang ang sinagot. Pansin ko ang paglunok niya at parang hinihingal siya bigla. Nagtaka naman ako agad.

"Ayos ka lang? May problema ba?" Alalang tanon ko at hinawakan siya sa likod.

"I'm... I'm fine." Sabi niya saka biglang tumayo.

Susundan ko na sana siya nang makitang sa likod lang siya pumunta at uminom ng tubig. Malalim siyang humihinga habang hawak-hawak ang parte ng dibdib kung nasaan ang puso niya.

May sakit ba siya sa puso?

Isang malalim na paghinga pa bago siya bumalik sa pwesto. "Sigurado kang ayos ka lang?"

Tumango siya. "Yeah, it's just my heart..." at sinapo na naman ang dibdib at hinimas yon.

"Anong meron sa puso mo? M-May sakit ka ba sa puso?"

"What? No. It just... I don't know why it's suddenly beating so fast." Nakatulalang aniya.

Kumunot ang noo ko. "O-Oh, kamusta ngayon? Ayos na ba?"

"Mhm, yeah."

Nakahinga naman ako agad ng maluwag. Kinabahan naman ako dahil baka kung ano.

"Aera!" Agad kong nilingon si Harley nang isigaw niya ang pangalan ko.

"Oh, bakit?!"

"Tinatanong kita kanina pa eh! Kamusta yung kanta ko, maganda ba?" Tanong niya. Pansin ko ang pamumula ng pisngi niya na halatang medyo lasing na.

Kumanta pala siya?

"Sabi ko nga sayo, ang ganda nga, pero last mo na yon ah?" Sabat ni Sunghoon bigla na ngingis-ngisi. May tumama naman agad na sapatos sa mukha niya. "Wag na sanang mauulit-huk-!"

"Gago ka ah!"

"Hoy, truth or dare tayo!" Sigaw bigla ni Riki at nilapag ang isang bote ng beer sa gitna ng nilatag na tela.

"Parang ayoko, hindi maganda experience ko sa larong yan." Sabi bigla ni Jay na nanlalaki ngayon ang butas ng ilong.

Natawa agad ako sa itsura niya. "Bakit? Anong nangyari?"

"Pinag-twerk lang naman nila ako sa gitna ng buong palasyo ni Heeseung habang naka-underwear lang. Nakaka-trauma yon."

Napangiwi ako. "Ayoko ng imaginine."

"Oh please, don't." Aniya at umirap saka lumagok ng alak.

"Arte mo, duwag ka ba?" Si Riki. "Tsaka tayo-tayo lang naman non nung nag-twerk ka. Galing mo nga eh, isa pa nga." Biro nito.

"Gusto mong mamatay?"

"No, sir." Mabilis na sagot ni Riki.

"Tara na, tara na!" Si Harley at nauna ng pumwesto.

Nang yayain ko si Heeseung mabuti naman ay nakisali siya. Umupo kaming lahat at bumuo ng bilog. Hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong katapat ko sina Harley at Paula na may tinataas-babaan na ako ng kilay ngayon.

Magdadasal na ako.

"Oh, game na ah. Tutal ako naman nag-suggest ako na unang mag-iikot." Si Riki.

"Yes, Master." Sarkastikong sabi ni Sunoo. Ang mataba nitong pisngi ay namumula na din.

𝙋𝙨𝙮𝙘𝙝𝙤 ll 𝙇𝙚𝙚 𝙃𝙚𝙚𝙨𝙚𝙪𝙣𝙜 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon